4 milyong new registrants, hindi pa nakakamit ng Comelec
Masyadong nahuhuli na ang Commission on Elections sa apat na milyong target na bagong registrants para sa 2022 elections.
Sa tweet ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, nasa 1.1 milyon pa lamang ang naitatalang voter applicants noong January 14, 2021.
Dahil ditto, hinihimok ni Guanzon ang mga botante na magpa-rehistro na at magtungo sa pinakamalapit na tanggapan ng Comelec.
Payo ni Guanzon sa mga botante, magsuot ngg face mask, face shield at magdala ng ballpen.
May libreng alcohol aniya saa mga tanggapan ng Comelec.
“We are behind our target of 4 million new registrants. Wear face mask and shield, bring your own ballpen and go to Comelec. We have alcohol,” pahayag ng tweet ni Guanzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.