Paalala ni Yorme sa pag-aartista ni JD: Galingan ko raw lagi para hindi ako mapahiya | Bandera

Paalala ni Yorme sa pag-aartista ni JD: Galingan ko raw lagi para hindi ako mapahiya

Ervin Santiago - January 22, 2021 - 09:15 AM

KUNG walang naging problema kay Manila Mayor Isko Moreno ang pagpasok ng anak na si Joaquin “JD” Domagoso sa showbiz, may pag-aalala naman dito ang kanyang ina.

Ayon kay JD suportado naman siya pareho ng mga magulang sa kanyang pag-aartista pero hindi raw maiaalis sa kanyang nanay na magkaroon ng kaunting agam-agam.

Anumang oras mula ngayon ay sasabak na rin sa lock-in taping ang binata para sa upcoming Kapuso series na “First Yaya.” Ito ang unang teleserye ng anak ni Yorme kaya magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya.

Kung matatandaan, nauna nang sumalang sa lock-in taping ang co-stars ni JD bago matapos ang 2020 kabilang na riyan ang lead stars ng “First Yaya” na sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
At ngayong January nga nakatakda ang second lock-in taping ng production kung saan kasama na nga ang Kapuso young actor.

Sa panayam ng GMA sa binata, natanong kung ano ang payo sa kanya ng kanyang amang alkalde sa tuluy-tuloy na niyang pagpasok sa showbiz.

“Basta galingan ko lang daw lagi sa lahat ng ginagawa ko because first time ko ‘to eh, so huwag daw ako magpahiya, or like don’t make it embarrassing ‘yung work ko, like what I do,” sagot ni JD.

“’Yung binibigay ni Papa sa akin is like general advice lang. But when it comes to really acting po, doon ko nakukuha sa mga workshop,” dagdag pa niyang chika.

Pero pag-amin niya, “There’s a bit of hesitation from my mom’s side because siyempre mami-miss niya ako and wala lang, I don’t know… Mommies, mommies, you know, they get worried a lot.

“But my dad, wala naman. He trusts me na siguro na kaya ko ‘to. Ito nga ang pinasok kong job na gusto ko so he’s not gonna be worried for me that much anymore.

“It’s already been a long time at saka I’m in good care naman with my managers and handlers. Kaya po, there’s not much worry for them,” paliwanag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending