Kristoffer Martin umaming tatay na: I really love my daughter, I miss her everyday
LUMULUHANG inamin ng Kapuso actor-singer na si Kristoffer Martin sa publiko na isa na rin siyang tatay.
Apat na taon na ang kanyang anak na babae na si Precious Christine o Prè na sa wakas ay ipinakilala na niya sa buong mundo.
Ayon kay Kristoffer hindi naman niya talaga itinago sa mga tao na may anak na siya, sa katunayan alam ng mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz ang tungkol kay Prè.
“My friends know. Ang daming nakakaalam. Ninong pa nga si Alden (Richards). Ninang si Bea (Binene), si Rodjun (Cruz), si Thea (Tolentino), marami pa, as in marami pang nakaalam. Tapos yung iba na hindi nakakaalam, nagtatanong kasi nga may haka-haka. Sinasabi ko talaga,” ang pahayag ni Kristoffer sa panayam ng “24 Oras” ngayong gabi.
Patuloy pa ng aktor, “Hindi naman kasi ako malabas ng personal, eh. If you’re going to search du’n sa mga account ko, talaga sobrang konti lang makikita mo sa personal life ko.
“That’s me. Alam ko kasi i-balance yung work ko sa personal life, eh. Sabi ko nga, I want to give Prè yung privacy na deserve niya,” aniya pa.
Ipinagdiinan naman ng binatang ama na ginagawa niya ang lahat para sa anak kahit na hindi nag-work ang relasyon nila ng nanay ni Prè.
Sabi pa ni Kristoffer, “I have Prè and I love my daughter. I really love my daughter. I miss her every day. When I call her, I always tell her, ‘daddy misses you every day. Daddy loves you so much.’”
Pag-amin pa niya, “Si Prè nasa mommy niya. Ako kasi nasa Olongapo. Nasa ano siya sa pangangalaga siya ng mommy niya ngayon.”
“Things didn’t work out (relasyon nila). We talked about this and nag-usap talaga. I won’t go into details kasi hindi naman na dapat sabihin,” aniya.
Pangako naman ng aktor, “Hinding-hindi ko papabayaan si Prè. Hindi niya mararamdaman na nawalan siya ng tatay, na wala ako du’n.”
Sa tanong kung ano ang nararamdaman niya ngayong naibandera na niya ang kanyang pagiging ama, “Actually, I’m happy. Itong kay Prè ha, sobrang tagal ko nang gustong ilabas.
“As in sobra, sabi ko, ‘Lord, pengeng sign. Isang tao lang. Talaga may isang…ano lang. Proud ako na nagawa ko ito kasi she deserves this. She really deserves this,” pahayag pa ni Kristoffer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.