Kuwintas na suot ni Heart sa IG photo nagkakahalaga ng P5.6-M; binalaan sa mga akyat-bahay gang | Bandera

Kuwintas na suot ni Heart sa IG photo nagkakahalaga ng P5.6-M; binalaan sa mga akyat-bahay gang

Ervin Santiago |January 21,2021
facebook
share this

Kuwintas na suot ni Heart sa IG photo nagkakahalaga ng P5.6-M; binalaan sa mga akyat-bahay gang

Ervin Santiago - January 21, 2021 - 10:26 AM

HOT topic ngayon ng mga followers ni Heart Evangelista sa social media ang suot-suot nitong bonggang necklace sa isa niyang Instagram photo.

Hindi napigilan ng mga netizens ang mapa-wow sa kanyang white Serpenti Viper Necklace na pinaniniwalaang mula sa Serpentine collection ng luxury brand na Bulgari.

Unang ipinost ng Kapuso actress sa kanyang IG account ang litrato ng sosyaling kuwintas na nakalagay pa sa original box nito na may caption na, “Delicate sparkle you’ll never want to take off.”

Sa sumunod na photo, makikitang suot na niya ang kumikinang na kuwintas with her black OOTD. Aniya sa caption, “Nothing goes better together than  diamonds and feathers.”

Maraming nagkomento sa mga post ni Heart at halos iisa ang kanilang sinabi, talagang iba raw ang datingan ng kasosyalan ng aktres at dapat lang daw siyang tawaging “fashion icon with a heart.”

May mga nag-comment din na kapareho raw ng necklace ng misis ni Chiz Escudero ang ginamit sa isang eksena sa hit Korean drama series na “The Penthouse”.

Ayon sa ilang IG followers ni Heart, ang Serpenti Viper Necklace ay nagkalahalaga ng P5.6 million at base sa website ng Bulgari, ito ay isang “18 karat white gold, set with full pave diamonds.”

Ang epekto raw nito sa mga magsusuot ay, “camouflaging sensuality and temptation with a hypnotic design.”

Samantala, may mga kumontra rin sa pagbabandera ng aktres ng kanyang mamahaling alahas sa social media dahil baka raw maging mitsa pa ito ng hindi magandang pangyayari.

Binalaan si Heart ng ilang netizens na maaaring mabiktima siya ng mga akyat-bahay gang dahil sa mga ipino-post niyang luxury items. Mainit daw kasi sa mata ng mga sindikato ang mga ganitong bagay kaya kailangang mag-ingat ang aktres.

Inihalimbawa pa ng ilang fans ni Heart ang pagnanakaw sa bahay ng aktor na si Xian Lim na kahit heavily-secured na ay napasok pa rin ng mga kawatan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending