LJ sa 'topless photo with pandesal' ni Paolo: Hala kuya, pasok sa kwarto!!! | Bandera

LJ sa ‘topless photo with pandesal’ ni Paolo: Hala kuya, pasok sa kwarto!!!

Ervin Santiago |January 19,2021
facebook
share this

LJ sa ‘topless photo with pandesal’ ni Paolo: Hala kuya, pasok sa kwarto!!!

Ervin Santiago - January 19, 2021 - 12:23 PM

PATI ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ay napa-comment sa throwback photo ni Paolo Contis sa Instagram.

Ipinost kasi ng Bubble Gang star ang kanyang litrato sa IG na kuha noong rumampa siya sa Cosmo Bachelor Bash taong 2008.

Makikita sa picture ang nakahubad na partner ni LJ Reyes kung saan makikita ang magandang pangangatawan ng komedyante with matching 6-pack abs pa.

Ang inilagay na caption ni Paolo sa kanyang topless photo ay, “MONDAY MOTIVATION 15 years ago to! Eto ngayon ang tanong ko…

“1. Kaya ko pa ba ‘to ibalik??

“2. Gusto ko pa bang pahirapan ang sarili ko para ibalik ‘to???”

“Balik alindog 2021. Game???”

Maraming netizens ang nagkomento sa IG post ni Paolo kabilang na nga riyan ang mga kapwa niya celebrities.

Hirit ni Dingdong, “Hello to giniling na naman brader? Hahaha!” Na sinagot naman ni Paolo ng, “Hahaha! Those were the days brader. ‘Di ko na yata kaya!”

Sabi naman ng kanyang pinakamamahal na dyowang si LJ Reyes, “Hala kuya pasok sa kwarto!!!!”

“Hanap na kami ng ibang trabaho. Bye!” birong komento ni Benjamin Alves.

Sey naman ni Jerald Napoles, “Superhero-an na pre. Game na yan!”

Im fairness, maraming nagsabi kay Paolo na kering-keri pa rin niyang ibalik ang dati niyang katawan lalo na ngayong napakalaki na ng nabawas sa kanyang timbang matapos karirin ang pagwo-workout at pagda-diet.

“It’s not really the weight I lose but the life I gain. It’s true para sa akin. Napunta na ako sa point na pagtakbo ni Summer nang ikatlong hakbang, ayoko nang sumama, e. Hindi puwedeng ganu’n.

“Kailangan nakakahabol na ako. Ngayon, I eat better, I sleep better, I stopped drinking,” ang sabi ng Kapuso TV host-actor sa dati niyang interview.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, tina-try ni Pao na ma-maintain ang kanyang ideal weight sa pamamagitan ng regular exercise at healthy lifestyle. At sana nga, maibalik din niya ang kanyang mga “pandesal”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending