GMA writer sa bashers ng Voltes V: Legacy: Please stop telling me na sana walang kabit, bakit ko bibigyan ng kabit ang robot?
SINAGOT ng GMA creative writer na si Suzette Doctolero ang ilang netizens na nag-react sa viral at trending trailer ng live-action adaptation ng anime series na “Voltes V: Legacy”.
Kanya-kanya kasing komento ang mga netizens nang ibandera na ng Kapuso Network ang teaser ng Pinoy version ng hit Japanese anime series sa social media.
Karamihan sa mga nakapanood nito ay nagsabing mala-Hollywood ang datingan nito dahil sa high-definition computer graphics na ginamit ng produksyon.
May mga nanghula rin kung sinu-sino ang mga Kapuso stars na bibida sa “Voltes V: Legacy” at kung sinu-sino pa ang nais nilang mapanood sa live-action version nito.
Ilang netizens naman ang nangnega agad sa nasabing proyekto ng GMA, baka raw matulad din ito sa ibang Pinoy teleserye na puro kidnapan, palitan ng anak, kabitan o agawan ng asawa at paghahanap sa mga nawawalang anak.
Sinagot nga ng Kapuso writer na si Suzette Doctolero na kabilang sa creative team ng “Voltes V: Legacy” ang mga comments ng netizens kabilang na ang nagsabing ang “Voltes V” ng GMA at “Ghost Fighter” ng Netflix ay magiging “battle of who could f*ck up a well loved anime.”
Bwelta ni Suzette sa kanyang Twitter account, “Para ‘di magmukhang memang tukmol, wait first for the show to air at saka ijudge pag f*ck*d up o hindi. For now: shhh muna.”
Sa isa pa niyang tweet, ito ang hugot ng writer, “And pls stop telling me na sana walang kabit. Bakit ko bibigyan ng kabit ang robot??? Lolz.”
Dagdag pa niya, “FYI, Ang lahat po ng scripts, karakter na dinagdag, mundo at kulturang pinalawig kasama@ang Boazanian language ay inaprubahan po ng Japan. Okey? see ya soon.”
Sinagot din niya ang comment ng netizen na baka raw may mga madadramang eksena rin ang mga bida ng “Voltes V” kung saan kailangang mag-iyakan ang mga ito sa loob ng 20 minutes.
“If we spend 20 minutes of crying scene, make Steve Mark Jamie love angle that soap operaish,” sey ng netizen. Na sinagot nibSuzette ng, “Bad writing pag 20 mins mag iyakan ang mga characters. Usually dapat nga 40 mins. With matching walling. Lolz.”
Samantala, may mga fans naman ng original “Voltes V” anime series ang nagsabi na meron talagang mala-soap opera storyline ang programa.
“Sorry to burst your bubble, but there actually IS an storyline of a ‘missing/estranged’ son in the original series. A Boazanian who also happens to be the blood brother of the Armstrong brothers. If you really are a Voltes V fan, you’d know who I’m talking about,” anito.
“Well for those na napanuod yung episode ni Bazinga vs. Voltes V dapat alam na natin na guaranteed heavy drama yang episode na yan. hindi ko na iispoil basta irewatch sana ng iba lalo na yung ayaw sa heavy drama,” sabi naman ng isa pang fan ng serye.
Ang “Voltes V: Legacy” ay ididirek ng Encantadia director na si Mark Reyes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.