The Clash graduate nilait ng kapwa-Pinoy: Sana sa ibang bansa na lang ako nakatira, siguro mas tanggap nila ako | Bandera

The Clash graduate nilait ng kapwa-Pinoy: Sana sa ibang bansa na lang ako nakatira, siguro mas tanggap nila ako

Reggee Bonoan - January 19, 2021 - 09:23 AM

MASAMANG-MASAMA ang loob ng Kapuso singer at “The Clash” graduate na si Jong Madaliday matapos laitin at insultuhin ng mga kapwa Filipino.

Ayon kay Jong, kung sino pa ang mga kababayan niya ay sila pa ang mambabastos sa kanya na never niyang naranasan sa mga foreigner na nakakapanood sa kanyang mga online performance.

Kamakailan ay nakakuha ng milyun-milyong views sa Facebook ang vlog ni Jong kung saan ilang foreign girls ang hinarana niya sa pamamagitan ng online chat website na Omegle.

Talagang umani ng papuri ang binata dahil nakaka-in love raw niyang boses. Comment nga ng isa niyang naka-chat na mula sa Amerika, “If I have a golden buzzer right now, I’ve been hitting that.”

Ito’y kabaligtaran naman ng naging karanasan niya kamakailan sa isang grupo ng teenager na Pinoy na narapang nang-okray sa kanyang itsura.

Nag-post ang singer sa Facebook kamakalawa kung saan may naka-chat nga siyang apat na kapwa-Filipino sa online video chat na OmeTV. Isa sa mga ito ang nagsabing, “Bakit ganyan ang ilong mo? Lintek na ilong ‘yan, butas-butas!”

Siyempre, na-hurt ang binatang singer at sinabihan ang lalaki ng, “Nasa vlog ko kayo, p’re. Panindigan mo ‘yung sinabi mo.”

Nag-sorry naman ang ka-chat niya pero maririnig sa background ang pagtawa ng mga kasamahan nito.

Reaksyon ni Jong sa panglalait sa kanya, “Gusto ko lang naman kayo pasayahin pero bakit gano’n? Haha 1st time ko dito, ang dami kasi nagre-request na mga Pinoy naman daw haranahin ko pero ganito ang naingkwentro ko whoo lets go (face with tears of joy emoji) Nakatatlong video pa lang ako niyan, pass muna sa OmeTv, Omegle nalang tayo (face with tears of joy emoji).”

Patuloy pa niyang paglalabas ng sama ng loob, “MAS OKAY NA ‘YONG BUGBUGIN KA, MATATANGAL PA ‘YONG SAKIT PERO MASASAKTAN KA EMOTIONAL SH*T, ‘DI KO KAYA.

“Dito sa Pilipinas, ‘di sapat na may talento ka kasi lahat kayang gawan ng issue. Woah! Grabe, ito ‘yong time na sana sa ibang bansa na lang ako nakatira, siguro mas tanggap nila ako.

“Mas ma-a-appreciate nila ang hitsura ko, ang kulay ko, at ang talento ko. Napaka-hirap mag-excel sa Pilipinas kung ‘ganito’ ka lang (sad face emoji),” aniya pa.

Paliwanag ng binata, nagdesisyon siyang i-post sa social media ang masaklap na pangyayari para  ipaalam sa lahat na wala talagang magandang maidudulot ang pambu-bully.

“It’s not okay, may nasisirang mga buhay dahil sa pagiging reckless either it is unintentional or what. Wala naman mawawala sa ‘tin kung magiging kind tayo sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Let’s spread happiness and be kind to everyone please. Kasi ‘di natin alam sa konting act ng kindness natin nakaka-save tayo ng buhay. Please be kind please,” mensahe pa ng Kapuso singer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending