GMA, di iluluklok (siyempre); Kumbaga, Erap nambubuyo lang | Bandera

GMA, di iluluklok (siyempre); Kumbaga, Erap nambubuyo lang

- March 22, 2010 - 10:18 AM

Bandera Editorial

MAY naaamoy si Agusan del Sur Rep. Rodolfo Plaza, pero tila maling timpla.  Aniya, di nakasisiguro si Pangulong Arroyo na siya ang iluluklok ng military junta na aagaw sa poder kapag nagkagulo dahil sa “failure of elections.”
Siyempre, hindi iluluklok ng militar ang mamamahalang sibilyan sa pamahalaan na makapagdudulot pa rin ng gulo at pagkakawatak-watak (sa Metro Manila lang naman, dahil may mga lalawigan na tanggap na maluwag si Arroyo, at yan ang problema ng oposisyon at Komunista).  Kung makikialam man ang militar ay para pahimikin ang bansa, tulad ng iniuutos ng Saligang Batas.  Hindi lalayo ang militar sa atas na ito, para makakuha ng suporta sa US (kapag lumabag ang militar sa Saligang Batas ay madaling guluhin para patahimikin muli ng CIA ang bansa nang di nagmumukhang garapal).
Ang manggugulo sa eleksyon ay hindi ang militar kundi ang magugulong kalaban ng gobyerno.  Kung magkakaisa lamang ang lahat na idaos ang halalan nang walang gulo, walang magiging dahilan ang militar para kumilos.
Sino ang naglalagay ng gatong para lumaki ang apoy?

* * *

Kumbaga, Erap nambubuyo lang

NAGALIT ang mga Muslim nang itinuloy ni dating Pangulong Joseph Estrada ang pangangampanya sa Cotabato City, kahit na idineklara ng Moro Islamic Liberation Front na “enemy of Islam” ang presidenteng iniwan ng kanyang kinumpareng mga heneral, kaya nalaglag (at hindi na-people power, tulad ng nananatili pa ring paniwala).
Sa mga poster na dyaryo, isinulat ng mga Muslim na “Erap i-zero” at “Ibagsak si Erap.” Pero, matagal nang bumagsak si Erap (ang problema ay kung ibangon siya ng taumbayan).
Hindi takot si Erap mamatay sa Cotabato City.  Bagkus tinawag pa niyang mga walang kunsensiya ang mga nambobomba, nanununog at nanggagahasa.  “Kaya nga ako naging pangulo para matupad ang batas… at idepensa ang inosente,” pakli ni Erap.
Sa mga alam ang tunay na Erap, walang laman ang mga sinabi ng dating pangulo.  Magaling sa pambubuyo si Erap.  Pero, ang malinaw ay pambubuyo pa lang ay talo na ang tinamaan ng batu-bato sa langit.

BANDERA, 032110

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending