Paglipad ni Jane bilang 'Darna' depende raw kay Coco; baka after 2 years pa yan

Paglipad ni Jane bilang ‘Darna’ depende raw kay Coco; baka after 2 years pa yan

Reggee Bonoan |January 14,2021
share this

Paglipad ni Jane bilang ‘Darna’ depende raw kay Coco; baka after 2 years pa yan

Reggee Bonoan | January 14,2021 - 03:49 PM

MUKHANG magkakatotoo ang tsika ng aming source na matatagalan pa bago masimulan ang shooting ng “Darna” series ng ABS-CBN dahil walang makuhang direktor.

Kinukuha kasi uli si Direk Jerrold Tarog para siya ang magdirek ng “Darna” na pagbibidahan nga ni Jane de Leon para yung ibang eksenang nakunan na sa nasimulan nilang pelikula ay puwedeng isama sa series.

Makakatipid din sana sila sa sistemang ito pero magalang naman na tinanggihan ng direktor ang offer.

Sakto, nag-post na si direk Jerrold nitong Miyerkoles ng gabi kung saan sinabi niyang hindi siya na involved sa bagong TV version ng “Darna”.

Ang tweet ng direktor, “Unfortunately, I’m not going to be involved in the TV series due to scheduling conflicts. But some doors remain open regarding my future involvement in the Ravelo universe.

“We will see. For now, I wish ABS-CBN & @Imjanedeleon all the best. Let’s continue to support them.”

Ito ang sagot ni direk Jerrold sa tanong ni @ColeTheLegion, “Hey @JerroldTarog! Are you still attached to the Darna series? Since we didn’t got any information if the same creative team is still attached.”

At tinanong kung matutuloy pa ba ang pelikulang Darna, “Sana. That’s up to the studio.”

Sabi naman ng aming source, “Actually matagal pa ‘yang series ni Jane kasi malabong mag-shoot talaga now, alam mo naman. If ever ituloy ‘yan, siguro mga 2 years pa.”

Kaya siguro inilagay muna si Jane sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin habang wala pang nakukuhang magdidirek ng “Darna” series niya?

At kaya pala may lumabas ding isyu na depende raw kay Coco kung kailan lilipad si “Darna” na ang intindi namin ay dahil nasa “Ang Probinsyano” ang dalaga at ayaw pang tapusin ang journey ni Cardo Dalisay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending