Neri sa mga nais magnegosyo: Walang pera? Mag ipon! Walang alam? Mag aral! Takot? Parte yan! | Bandera

Neri sa mga nais magnegosyo: Walang pera? Mag ipon! Walang alam? Mag aral! Takot? Parte yan!

Ervin Santiago - January 14, 2021 - 02:02 PM

WALA nang kinatatakutan ngayon ang aktres na si Neri Naig kung tungkol sa pagnenegosyo ang pag-uusalan.

Feeling niya, napagdaanan na niya ang pinakamatitinding pagsubok bilang isang negosyante, lalo na noong kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

Kaya naman kapag may mga bago siyang naiisip para mas mapalago pa ang mga business nila ng asawang musikero na si Chito Miranda, talagang gagawin niya ang lahat para maisakatuparan ito.

Sa kanyang Instagram page, muling nagbahagi si Neri ng mga helpful tips para sa mga nagnanais na magtayo o magbukas ng sarili nilang negosyo.

“Kapag may maisip akong business idea, ‘yung kikiligin ako every time na maiisip ko ‘yung idea na ‘yun, para sa akin, magandang sign ‘yun na ituloy ko.

“At talagang ginagawa ko, ‘di ako natatakot na subukan. Siyempre, ‘di ko iniisip na magfail ang idea ko, pero kung ‘di man mag-work, at least alam ko na may lesson akong natututunan,” simulang pahayag ng misis ni Chito.

Aniya pa, “Hindi ako takot. Nagstart ako sa walang wala talaga. Kaya ano pa ba ang kakatakutan ko nung nagsisimula ako sa negosyo?

“Laki ako sa hirap, nangangarap ng malaki pero alam kong hindi imposibleng makamit. Realistic naman ang mga pangarap ko pero hindi lahat madaling gawin. Pero dahil sa sipag at tyaga, naitatawid din,” lahad pa niya.

Payo pa ni Neri sa mga nagsisimula pa lang sa kanilang mga business, huwag agad sumuko at mawalan ng pag-asa kung may mga pagsubok at problemang dumarating dahil bahagi talaga ito ng pagnenegosyo.

“Fear ang unang tatalo sa atin. Kapag walang execution, hanggang pangarap lang yan. Sayang naman kung di mo susubukan. Magtiwala ka sa sarili mo na kaya mo. Importante yan.

“Kahit ano pa ang sabihin ng iba na di ka magiging successful, na babagsak ka lang, push yourself more.

“Patunayan mo sa sarili mo na kaya mo. Wala kang kailangang patunayan sa kanila. Sa sarili mo lang.

“Ang tanong mo lang dyan, bakit hindi mo pa na uumpisahan ang pangarap at plano mo sa buhay? Walang pera? Mag ipon! Walang alam? Mag aral! Takot? Parte yan!

“Mahirap? May madali ba sa buhay? Maghanap ng solusyon, bawal na ang excuses kung talagang gusto mong umasenso sa buhay. Kung kaya ng iba, mas kaya mo!” magandang paalala pa ng aktres.

Nitong nagdaang Disyembre, ibinandera ni Neri na natapos din niya ang isang business course online na siguradong makakatulong sa mga kanilang mga negosyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya sa caption, “Thank you again, @onlinehbs. Sa lahat ng gusto pang mag-aral, inquire na sa kanila. Marami kayong matutunan. At marami kayong makikilala at matututo talaga sa lahat ng entrepreneurs sa mundo! #NeverStopLearning.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending