Kris biglang inatake ng mga sakit kaya absent sa pa-dinner party ni Derek; Bimby may ibinuking

Kris biglang inatake ng mga sakit kaya absent sa pa-dinner party ni Derek; Bimby may ibinuking

Reggee Bonoan |January 13,2021
share this

Kris biglang inatake ng mga sakit kaya absent sa pa-dinner party ni Derek; Bimby may ibinuking

Reggee Bonoan | January 13,2021 - 01:16 PM

PASAWAY talaga ang pabagu-bagong health condition at pabalik-balik na sakit ni Kris Aquino.

Hindi lang kasi ang kanyang trabaho ang apektado nito lalo na ang mga product shoot niya para sa webisodes, kundi pati na rin ang social life niya.

Imbitado ang mag-iinang Kris, Joshua at Bimby sa post New Year dinner ng pamilya ni Derek Ramsay sa kanilang bahay pero hindi nga sila nakarating.

Napag-alaman namin na sinumpong ng sakit ang TV host-actress at ang panganay naman niyang si Josh ay nasa Tarlac ngayon kaya bukod tanging ang bunso niyang si Bimby lang ang nakadalo.

Ipinost ni Kris ang larawan nina Bimby at Derek sa Instagram at nilagyan ng caption na, “Bimb & I were supposed to have dinner w/ the Ramsay family last weekend.

“Unfortunately the unpredictability of my autoimmune manifestations (migraine, the chronic spontaneous urticaria, and the fatigue) struck and as much as I wanted to & tried to, I just couldn’t make myself get out of bed.

“@ramsayderek07 thanks for making Bimb feel so welcomed & I really appreciate our 16 years of friendship hearing from him how tight knit your family is & for him to say, the 2 of us would definitely have been out talked (yes, sinabi nya mas madaldal & opinionated kayo) made me regret missing that experience. #friendship #family,” pahayag pa ni Kris.

Naaliw naman kami sa comment ng isa niyang IG follower na si @tonyomekaniko92, “Sinisipat ko ‘yung reflection baka andyan si Ellen.”

Ha-hahaha! Kasi naman nali-link ngayon si Derek kay Ellen Adarna matapos kumalat ang mga litrato nila sa social media na ipinost ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram story.

Pinagpiyestahan ng netizens ang kanilang mga litrato lalo na ang tuksuhan nila habang nag-eenjoy sa dinner party. Pero bago pa malagyan ng malisya ang pagkakaibigan nila ni Ellen, nagpaliwanag na ang aktor na walang namamagitan sa kanila ng sexy actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending