Landian, tuksuhan nina Derek at Ellen sa dinner party may malisya o wala? | Bandera

Landian, tuksuhan nina Derek at Ellen sa dinner party may malisya o wala?

Ervin Santiago - January 12, 2021 - 10:54 AM

MATAPOS matsismis kay Pops Fernandez, siguradong kay Ellen Adarna naman mali-link ngayon ang Kapuso hunk actor na si Derek Ramsay.

Pinagpipiyestahan kasi ngayon sa social media ang mga litrato ng dalawa na kuha sa get-together dinner party ng kanilang barkada kabilang na rito ang ilan pang kilalang celebrities.

Bukod kina Ellen at Derek, nasa dinner party din si Ruffa Gutierrez at ang co-star ng dating sexy star sa bago niyang sitcom na si John Estrada.

Ang tanong nga ng mga netizens na nakakita sa mga “unguarded moments” nila sa party ay kung si Ellen nga ba ang ipinalit ni Derek sa ex-girlfriend nitong si Andrea Torres.

Mismong ang tropa nilang si Ruffa Gutierrez ang nag-post ng kanilang mga litrato sa Instagram Stories at isa nga rito ang photo kung saan titig na titig ang hunk actor habang nakikipag-usap kay Ellen.

Ang tanging caption ni Ruffa rito at, “Walang malisya.”

Sa isa pang litrato, makikita naman si Ellen kasama ang tatay ni Derek na nilagyan ni Ruffa ng caption na, “Close na sila.”

Enjoy na enjoy naman si Ruffa sa panunukso sa dalawang kaibigan na mapapanood din sa ilang video clips na in-upload niya sa IG kung saan nagkakantahan at nagsasayawan pa sina Derek at Ellen.

Sa isa pang selfie video, maririnig sina Ellen at Ruffa na nagsabihan ng “I love you” sabay dialogue ng dating beauty queen at aktres na mahal din daw ng isang taong nasa party ang ex-dyowa ni John Lloyd Cruz.

Hindi ipinakita sa video ang taong binabanggit ni Ruffa pero mukhang si Derek din ang tinutukoy niya. May isa pang litrato na tila magki-kiss naman ang dalawa.

Ayon sa ilang netizens, mukhang nagkakasayahan lang talaga ang mga dumalo sa party at feeling nila matagal nang magkaibigan sina Derek at Ellen kaya komportable na silang magtuksuhan.

May nagkomento naman na tila nagpaparamdam na ang dalawa sa madlang pipol at tine-test kung ano ang magiging reaksyon ng mga tao sakaling maging sila nga.

Sey naman ng ilang netizens, ibang klase rin daw talaga si Derek pagdating sa babae. Kaka-break lang daw kasi nito sa kanyang ex-girlfriend na si Andrea Torres ay nakikipaglandian na agad sa ibang babae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Single uli ngayon si Derek matapos ang kontrobersyal nilang paghihiwalay ni Andrea habang hindi naman diretsahang maamin ni Ellen kung single rin siya o kung may kapalit na ba si Lloydie sa puso niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending