Tulong pinansyal bumuhos para sa mga 'persons of interest' sa kaso ni Dacera; Ai Ai may panawagan | Bandera

Tulong pinansyal bumuhos para sa mga ‘persons of interest’ sa kaso ni Dacera; Ai Ai may panawagan

Ervin Santiago - January 11, 2021 - 07:32 PM

BUMUHOS ang tulong pinansiyal para sa ilang personalidad na isinasangkot sa kontrobersyal na pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ito’y matapos na manawagan ang apat sa mga tinaguriang “persons of interest” sa kaso ni Dacera ng financial assistance para sa pagbabayad ng kanilang mga abogado.

Ayon mismo sa singer at negosyanteng si Claire dela Fuente napakaraming nais tumulong sa mga kaibigan ng kanyang anak na si Gregorio de Guzman, na isa rin sa idinadamay sa kaso.

“Nakakagulat, ang dami nang nagbigay, pati na mga ordinaryong tao na magsasabi na ‘pasensya na kayo, beinte pesos lang ang mabibigay ko muna,'” pahayag ng OPM veteran singer sa panayam ng ABS-CBN na nauna nang nagsabi na inosente ang anak niya sa pagkamatay ni Dacera.

Tumanggi namang banggitin ni Claire ang pangalan ng mga taong nag-abot na ng tulong pati ang buong halaga na natanggap nila, pero umabot na raw ito sa six figures.

Ito’y para maiwasan na rin ang pamba-bash ng mga netizens na kumukuwestiyon sa paghingi ng donasyon ng mga personalidad na pinangalanan ng pulisya sa kaso ni Dacera.

Pahayag pa ni Claire, “Ang importante ‘yung tiwala nilang binigay, big donor or not. Kahit na may nagbigay na maliit na halaga, okay lang, malaking bagay na yon.

“Ang anak ko, kaya niya ang cost ng legal defense pero itong mga batang ito, wala namang masyadong kaya sa buhay for a long and costly legal defense, kailangan pa nilang mag-donation drive,” sabi pa ng singer sa nasabing interview.

Kung matatandaan, isa sa mga “persons of interest” sa kaso na si Valentine Rosales ay personal na nanghingi ng tulong para sa kanilang legal defense.

“I would like to ask for your help to raise funds for me and my fellow friends who are struggling to finance a lawyer in assisting us in this situation and effectively defend us. Any amount of donation will mean a lot & will be appreciated. Thank you,” aniya sa kanyang Instagram post.

Hindi na rin daw kasi sila makabalik sa trabaho dahil sa pagdadawit sa kanila sa kaso ni Dacera at sa galit ng publiko.

Samantala, sa panayam naman kay Ai Ai delas Alas, pinayuhan nito ang mga sangkot sa kaso na lumapit sa mga grupong nangangalaga sa kapakanan at karapatan ng LGBTQ community.

“Humingi din sila ng tulong sa Public Attorneys Office (PAO), sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) at sa iba pang lawyer na may gender advocacy,” sabi ng komedyana.

Nagbigay din siya ng saloobin tungkol dito, “Iba na talaga ang social media. ‘Yung trial by publicity ganu’n-ganu’n na lang. Sana bago lumabas ang mga balita, hinimay-himay muna ng mga netizen ang mga issues. Huwag tayo judgmental.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ako sumasawsaw sa issue, I was only asked. Pero bilang nanay, masakit talagang mawalan ng anak. Ilalaban ko rin anak ko sa sinapit niya. ‘Yung mga LGBT persons of interest, kawawa rin naman. Paano na sila makakabalik sa buhay pagkatapos laitin ang kanilang pagkatao, pati na pamilya nila?” pahayag pa ng Comedy Concert Queen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending