Maduming gas, air cleaner | Bandera

Maduming gas, air cleaner

Lito Bautista - August 28, 2013 - 02:23 PM

PARANG walang problema ang motorsiklo ng texter ng Bandera na may numerong …1782 mula sa Kalawit, Zamboanga del Norte, dahil mahigit isang taon na niya itong ginagamit ay tila para pa rin itong bago dahil walang diperensiya.

Merong dalawang dahilan kung bakit tumitirik ang motor kung ito ay papaakyat. Una, ang gas ay maaaring madumi o kaya naman ang air cleaner ang siyang madumi o hindi nalilinisan.

Ang unleaded, at hindi ang premium o special gasoline, ang inirerekomenda para sa four-stroke na 125.  Ang palagiang pagbabago ng brand ng langis ay hindi rin maganda para sa makina dahil kailangan ang “burning” ng iba’t ibang additives.

Kaya yung dumi ay posibleng mai-stock sa karburador. Ang built-in o inherent dirt ay nakukuha mula sa multiple additives at mula sa 10 porysento ng  ethanol mix (E-10).

Ang naka-store na unleaded E-10 ay nakakapagbuo ng tubig na maaaring bumara sa linya patungong makina. Sa kadalasang kaso, hindi kaagad makapag-start ang makina at dahil don kinakailangan pang gawin.

Ang non-inherent dirt na galing naman mula mismo sa dumi at nakaimbak sa tangke ay kadalasang sanhi kung bakit nasisira ang motor, lalo na kung hindi agad na nalilinis.

Makakabuti kung ang rider ay mamili ng kanyang paboritong filling station para mapangalagaan ang lagay ng kanyang motor.
Sa probinsiya uso ang “servicing”  na nagbibigay ng libreng palinis.

Sa mga maaalikabok o mapuputik na lugar kailangan ang palagiang paglilinis kung naitakbo na ang motor ng may 1,000 kilometro.

MOTORISTA

Synthetic

OK po ba na gamitin ang Castrol oil part synthetic para sa Mio?
From Davao City

BANDERA

ANG synthetic ay bagong timpla at imbentong langis na matagalan ang gamit.  Sa karaniwang motorsiklo, hindi inirerekomenda ang synthetic oil.

Sa scooter, tulad ng Mio, hindi sakop ng dealer warranty ang sira na bunsod ng synthetic oil.  Ang synthetic oil ay unang ginamit sa mga trak sa Middle East at ginamit sa mga kotse.

Pero, bumalik pa rin sa regular na langis ang mga may-ari ng kotse sa bansa.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds Motor

PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).  Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending