Maja naiyak nang unang malamang buntis si Janella: Akala mo anak ko talaga siya

Maja naiyak nang unang malamang buntis si Janella: Akala mo anak ko talaga siya

Ervin Santiago |January 11,2021
share this

Maja naiyak nang unang malamang buntis si Janella: Akala mo anak ko talaga siya

Ervin Santiago | January 11,2021 - 09:22 AM

HINDI napigilan ni Maja Salvador ang maiyak nang aminin sa kanya noon ni Janella Salvador na buntis siya at magiging mommy na.

Isa ang aktres sa iilang celebrity na sinabihan ni Janella na ilang weeks na siyang nagdadalang-tao sa unang baby nila ng kanyang boyfriend na si Markus Paterson.

Sa isang video, nakachikahan ni Maja ang first time mommy na nagsilbi ring reunion “project” nila matapos magsama sa hit Kapamilya series na “The Killer Bride.”

Dito nga naikuwento ni Janella ang ilang detalye ng kanyang pregnancy journey at kung ano ang naging reaksyon nila ni Markus nang malamang magiging mommy at daddy na sila.

Sey ni Maja, saludo siya sa tapang at paninindigan ni Janella dahil buong-puso niyang tinanggap ang bagong challenge at responsibilidad sa buhay niya, pati na rin ni Markus.

“Natutuwa ako na ang strong mo, ‘yung hindi ka natakot. Nakakatakot pero naging brave ka kasi alam mo ‘yun, isang blessing ‘yung ibinigay sa inyo, ‘di ba?” sey ni Maja.

Sagot naman ni Janella, “Well, you, of all people, knew my journey, every step nandu’n ka, ina-update kita. Grabe ‘yung feeling na alam kong may life akong nabuo, may kini-carry akong life. It’s such a big thing.”

“And hindi ko siya na-realize agad, kasi when I was pregnant, hindi ko alam parang hindi pa nagsi-sink-in agad sa akin na totoo na talaga. But now that he’s here, grabe ‘yung realizations ko,” dagdag pang paliwanag ng aktres.

Nang tanungin ni Maja si Janella kung ano ang naramdaman niya nang unang malaman na magiging mommy na siya, magkahalong takot at kaligayahan daw ang na-feel nila ni Markus.

“Actually, the moment we found out, kinabahan talaga kami. Pero at the same time, nagtinginan kami kasi nasa Boracay kami nu’n. Kasi we were just there for a random trip. Gusto lang namin mag-take ng break to enjoy before naging scary ang lahat.

“So I took the test there. Dalawa ang tinake ko. Tapos nu’ng nalaman ko, lumabas ako ng bathroom, siyempe. Sabi ko ‘It’s positive.’ Tapos nagtinginan kami.

“Kinabahan kami pero at the same time, we were like ‘why can’t we stop smiling?’ Parang ang saya pa rin namin,” pahayag pa ni Janella.

Ayon kay Maja, ramdam na ramdam niya ang excitement at kaligayahan ni Janella nang ibalita sa kanya ang pagbubuntis nito.

“Kung paano niya ikinuwento sa akin, ganyan na ganyan. Walang nadagdag, walang nabawas. At ganyan, ‘yang joy sa mata niya, ‘yan ngiti niya, ganyan.

“‘Yung parang nandu’n nga raw ‘yung kaba pero silang dalawa, iba ‘yung joy na na-feel nila. Pero kasi, iba talaga ‘pag in love,” ani Maja.

“Ikaw, umiyak ka,” pambubuking naman ni Janella sa naging reaksyon ng aktres nang aminin niyang pregnant na siya.

“Sabi ni Ate Maja, ‘Wait lang naiiyak ako.’ Narinig ko siya sa phone,” aniya pa.

“Akala mo ‘no anak na anak? Kasi kakatapos lang naman ng Killer Bride that time. So feeling ko, nandu’n pa rin ang pagka-Camila ko (role niya sa ginawa nilang serye),” chika naman ni Maja.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending