Tuloy na ang delisting sa NYSE ng China telcos na umano'y banta sa seguridad ng US | Bandera

Tuloy na ang delisting sa NYSE ng China telcos na umano’y banta sa seguridad ng US

- , January 10, 2021 - 08:22 AM

Reuters

Muling nagbago ng desisyon ang  New York Stock Exchange (NYSE) at sinabing tuloy na ang pagdelist nito sa tatlong Chinese na kumpanya sa telekomunikasyon na umano’y nagagamit ng Beijing sa pag-eespiya nito sa US.

Noong Enero 1, sinimulan na ang NYSE ang proseso ng pag-delist sa China Telecom, China Mobile at China Unicom na ayon sa mga opisyal ng US ay pagmamay-ari o kontrolado ng Chinese military.

Pero nitong Miyerkules, biglang umatras ang NYSE sa plano nitong pagtanggal sa mga Chinese companies sa harap ng matinding kritisismo ng Beijing. Kaagad ding nabaligtad ang desisyong ito at sinabing nakatanggap na ang NYSE ng malinaw na patnubay mula sa  Office of Foreign Assets Control ng Department of Treasury.

Sa Enero 11 ganap na 1430 GMT (10:30 ng gabi sa Pilipinas) ay tuluyan nang ihihinto ang trading sa mga naturang kumpanya ng China.

Kaugnay ang hakbang na ito sa kautusan na inilabas noong Nobyembre na nagbabawal sa mga mamamayan ng US na mamuhunan sa mga kumpanya ng China na pinaniniwalaang may ugnayan sa militar.

Nauna na rito ay sinabi ng US Federal Communications Commission (FCC) na sinimulan na rin ang pagbawi sa awtorisasyon ng  China telecom firms na mag-operate sa US.

Ayon kay FCC Chairman Ajit Pai, ilang ahensiya ng pamahalaan sa US ang nagrekomenda ng rebokasyon ng lisensya ng China Telecom dahil sa isyu ng pambansang seguridad.

Sinabi ni Pai na matinding nababahala ang mga opisyal na kayang pwersahin ng Beijing ang China Telecom na magbigay ng impormasyon, kabilang na ang mga nasasagap nitong komunikasyon.

Inatasan ng FCC ang China Telecom at dalawang iba pang telcos  maglabas ng ebidensiya na nagpapatunay na hindi sila kontrolado ng komunistang pamahalaan ng China.

Ang China Telecom, sa pamamagitan ng ChinaTel, ay may 40 porsyentong pagmamay-ari sa third telco player sa Pilipinas na Dito Telecommunity.

Ilang senador din sa Pilipinas ang nagpahayag ng pangamba sa banta sa seguridad ng China Telecom.

“China Telecom is a Chinese company, what if the Chinese government says — you have access there…you are mandated to turn over information to us because we have the National Intelligence Law and the counter-Espionage Law,” wika ni Senator Francis Pangilinan patungkol sa ChinaTel.

Paulit-ulit na tinukoy ni Pangilinan ang panganib sa seguridad ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at ng Dito-ChinaTel na nagpapahintulot sa pagtatayo ng communications facilities at cell towers sa mga kampo ng militar.

Samantala, sa naging pagdinig sa Senado ay nagpahayag si Senator Grace Poe ng pangamba sa kabiguan ng Department of Information and Communications Technology  at ng National Security Council na tiyakin ang kakayahan ng Pilipinas na labanan ang cybersecurity warfare.

Kinuwestiyon din ni Poe ang kahandaan ng Dito-ChinaTel na tuparin ang pangako nito sa unang limang taon na pagkakaloob ng serbisyo at pondohan ang telco project nito.

Ipinaalala naman ni Senator Risa Hontiveros ang babala ng DICT na kakanselahin ng pamahalaan ang Certificate of Public Convenience and Necessity na ipinagkaloob sa Dito kapag nabigo itong mag-operate sa 2021.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Initial failures in complying with its committed delivery of service, does not augur well for a franchise of 25 years long,” ani Hontiveros, at idinagdag na, “besides there are many issues with China evolving in the region for the coming years”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending