Hugot ng TV executive sa paglipat ng aktor sa ibang network: Goodluck! | Bandera

Hugot ng TV executive sa paglipat ng aktor sa ibang network: Goodluck!

Reggee Bonoan - January 07, 2021 - 04:37 PM

“WELL, sad siyempre,” ang tanging nasabi ng TV executive tungkol sa naging pahayag ng isang aktor sa paglipat nito ng TV network.

Balitang na-misinterpret kasi ang sinabi ng aktor sa isang panayam kung bakit niya iniwan ang dating network at nangibang-bakod.

Ang nasabing TV executive ay nakapagbigay ng movie project sa aktor noon at gusto niya ang pagiging propesyonal nito at wala raw kaarte-arte sa katawan.

Hindi rin niya naringgan ang kanyang staff na naging pasaway ang aktor dahil mas madalas daw ay mas maaga pa sa call time kapag dumarating ito sa location.

“Hindi siya kagalingang umarte, pero okay na, nadadaan naman sa charm,” ang sabi ng ehekutibo kaya niya kinuha ang aktor bilang bida sa pelikula.

In fairness, malakas naman talaga ang taglay na karisma ng aktor at natikman din naman niya ang panahong nabibingi siya sa lahat ng shows niya dahil sa kasisigaw sa pangalan niya.

At hindi lang iyan dito sa Pilipinas nangyayari yan, dahil kahit sa ibang bansa ay pinagkakaguluhan din siya ng mga Pinoy na sumusubaybay at sumusuporta sa mga protekto niya.

Nakasabayan pa nga niya sa entablado ang isa ring sikat na aktor na taon na ang binilang sa showbiz kumpara sa bida sa blind item namin at nakagugulat dahil pantay lang ang hiyawan sa kanila.

Anyway, “goodluck” ang tanging nasabi ng TV executive sa amin nang hingan namin siya ng reaksyon tungkol sa paglipat ng aktor.

Sabagay, sa showbiz naman kapag maayos kayong naghiwalay ng network ay puwede uling bumalik kapag ginusto mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending