BLACKPINK mas bongga sa 2021; local celebs hindi magpapaawat sa pagiging faney
BONGGA talaga ang Korean all-female group na BLACKPINK! Siguradong ngayong 2021 ay patuloy ang paghataw ng grupo dahil sa dami ng kanilang pasabog.
In fairness naman kasi sa BLACKPINK, talagang pang-international din ang datingan nila tulad din ng iba pang sikat na K-Pop group na pinagkakaguluhan ngayon sa buong universe.
Imagine, hindi lang mga ordinaryong Pinoy ang humahanga at nagmamahal kina Jisoo, Jennie, Rosé at Lisa kundi pati na rin ang mga sikat na celebrities na talagang nanonood pa ng kanilang concerts.
Isa na nga riyan ang tinaguriang Millennial Multimedia Star na si Kim Chiu na super fan ng grupo. Sabi nga niya sa isang post, “When I saw them, oh my gosh. They’re all so beautiful, they’re all so good [especially in] their music video ‘DDU-DU DDU-DU’. So gorgeous! This is so many, I’ll make these my wallpapers.”
Hindi rin magpapaawat sa pagkafaney ng grupo si Anne Curtis na nabigyan pa ng chance na makapagpa-picture sa K-Pop idols. Sey niya sa kanyang post noon, “I wanted to say so much but ended up being so speechless the moment I shook your hands. You guys were amazing and made so many Filipinos extremely happy!”
At siyempre pa, nandiyan din ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na naging instant fan ng BLACKPINK nang bumisita sa South Korea noong 2019 para sa 14th Seoul International Drama Awards.
Partikular niyang binanggit si Lisa on national TV, “Wow, she’s amazing! She’s so cute! She’s gorgeous.”
Ang iba pang celebrities na certified BLACKPINK fans ay sina Sue Ramirez, Andrea Brillantes, Maja Salvador, Maymay Entrata at marami pang iba.
Kaya naman hindi na nakapagtataka na dumami pa ang kanilang endorsements dito sa Pilipinas.
Kabilang na riyan ang pagbibida ng grupo sa latest campaign ng Globe para sa isang world-class connectivity at bonggang entertainment.
“Globe and BLACKPINK’s partnership sends a strong message of reinvention — transforming oneself through powerful self-expression aided by digital technology with an attitude for resilience amidst modern day challenges.
“We believe that Filipinos have the power to reinvent themselves in this new digital world. With this partnership, we will open up a world of greater possibilities, we’ve never done before.
“BLACKPINK embodies the meaning of taking control and reinventing to achieve one’s dreams. We want to inspire our customers to be in control so they can do more and be more, especially with all the new technologies we have today,” ayin kay Issa Guevarra-Cabreira, Deputy Chief Commercial Officer ng nasabing telco brand.
Kamakailan, bago nga magtapos ang 2020, inilunsad ang ang kanilang reinvention campaign sa pamamagitan ng bagong TVC with a full-blown digital take over and pre-show, all streamed on Globe’s social media and online platforms.
Para sa mga fans ng BLACKPINK, bisitahin lang ang social media channels ng Globe sa Facebook, Instagram at Twitter.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.