#DiKoKayangTanggapin: Life story ni April Boy ibabandera sa pelikula | Bandera

#DiKoKayangTanggapin: Life story ni April Boy ibabandera sa pelikula

Ervin Santiago |January 06,2021
facebook
share this

#DiKoKayangTanggapin: Life story ni April Boy ibabandera sa pelikula

Ervin Santiago - January 06, 2021 - 01:15 PM

TULOY na tuloy na ang pagsasapelikula sa makulay at inspiring na life story ng namayapang OPM icon na si April Boy Regino.

Ito ang kinumpirma ng veteran character actor at dating action star na si Efren Reyes na siyang magdidirek ng nasabing project.

May titulong “‘Di Ko Kayang Tanggapin,’ sinabi ni Efren Reyes na magiging inspirational movie rin ito dahil sa dami ng mga aral na mapupulot sa kuwento ng buhay ni April Boy.

Sa report ng ABS-CBN, ang magpo-produce raw ng biopic ng namayapang OPM legend ay ang kaibigan ng pamilya Regino na si Marynette Gamboa ng Waterplus Productions.

Kung matatandaan, in-announce na ng nasabing produksyon ang pagsasapelikula ng buhay ng tinaguriang Idol ng Masa sa pamamagitan ng isang contract signing noong February, 2020 na ginanap sa mismong bahay ng singer-songwriter sa Marikina. Naglabas pa sila ng ilang litrato sa social media kasama si April Boy pagkatapos nilang magpirmahan ng kontrata.

Pumanaw naman ang singer nitong nagdaang Nobyembre sa edad na 59 “due to renal disease complications”. Talagang nagluksa ang sambayanan sa biglang pagkawala ng veteran singer.

Nakatakda na sanang simulan ang shooting para sa pelikula noong Marso, 2020 ngunit nagkaroon naman ng pandemya kaya hindi na muna ito itinuloy.

Ayon kay Efren Reyes, matagal na rin silang magkaibigan ni April Boy, “Sa Mindanao kami nag-bonding. Natuwa ako sa dami ng makukulay na kwento niya. Sabi ko ang gandang gawan ng pelikula ang buhay mo.

“He sets an example to all aspiring talents in terms of facing struggles. Patunayan mo sarili mo, kahit ano mangyari.

“He did it on his own, walang nagturo sa kanya. Everything that he aspired for, nagawa niya,” sabi ng actor-director sa nasabing panayam.

Aniya pa, “Kinilabutan nga ako nang marinig ko ang kwento niya nu’ng magkasama kami sa Cagayan de Oro. Tapos nakita ko kung paano siya sinasamba ng mga tao sa mga shows doon, kaya sabi ko kailangan makita din ito sa pelikula.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang final details tungkol sa nasabing proyekto pero baka raw magpa-audition ang production para sa gaganap na young April Boy. Posible ring makasama sa movie ang anak ng yumaong singer na si JC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending