SinosiKat band nagbabalik after 15 years, Kat may mga bagong paandar
MAKALIPAS ang 15 years, nagbabalik sa music scene ang OPM artist na si Kat Agarrado, ang lead Vocalist ng Filipino soul band SinosiKat.
Isa kami sa naimbitahan sa launching ng bago niyang kanta kasama ang kanyang banda, ang “Heart Calling”, na ginanap sa 12 Monkeys Music Hall and Pub sa Estancia Mall, Pasig City.
Ayon sa singer-songwriter, ang “Heart Calling” ng SinosiKat na available na ngayon sa Spotify, ay ni-release ng Warner Music Philippines and Pinoy Soul Records.
Baka Bet Mo: Kat Alano kinastigo ng bashers, hinamong magsampa ng kaso laban sa nanggahasa sa kanya: ‘Huwag puro dada!’
Ang naturang kanta ay isang jazzy English track, na may konting hip-hop twist na siguradong papatok sa mga loyal supporters ng grupo.
View this post on Instagram
Biglang nawala sa music scene ang SinosiKat matapos magmarka ang dalawa nilang hit records, ang kanilang self-titled debut album noong 2007, kung saan nanalo si Kat bilang Vocalist of the Year sa NU107 Rock Awards at ang kanilang “2nd Album.”
In fairness, napakaraming fans nina Kat ang sumugo sa 12 Monkeys Music Hall para sa launching at presscon ng kanilang pagbabalik.
Dahil sa tagal ng pagkawala ni Kat, marami ang nagsabing imposible nang bumalik ito sa pagkanta. Ngunit nabago ang planong pagre-retire nang may nagbukas na isang malaki at magandang oportunidad.
Ilan sa mga nag-hit na single ng Sikosikat ay ang “So Blue Hitmakers” under Warner Music Philippines noong 2022. Kasama sa solo single nila ang “Sa Iyong Mga Mata” at “Beautiful Kind.”
Baka Bet Mo: Katrina sa pumanaw na partner: Goodbye is not forever, until we meet again
Kumakanta na si Kat noong 16 taong gulang pa lamang siya at sumali sa iba’t ibang local bands na napanatili ang kanyang musical traction sa SinosiKat ng may ilang dekada na rin.
Sa pagbabalik ng SinosiKat, asahan na ang madalas na makikita at maririnig ang kanilang mga awitin.
View this post on Instagram
Ayon kay Kat, nais niyang ipagpatuloy ang 20 year music legacy ng SinosiKat. Nabuo ang kanilang banda noong 2004 at simula noon, nakagawa na sila ng pangalan sa industriya at sa OPM landscape.
Maraming bago sa grupo na kinabibilangan din nina Francis De Veyra (bass), Chuck Menor (drums), Rich Griner (guitars) at Jesper Mercado (keyboard). Nandiyan din si Jeck Cenidoza para sa horn and woodwind, Wowie Ansano sa trumpet at Ian Lagrimas sa saxophone, with Faye Yupano as back-up vocals.
Sabi ni Kat, dahil sa pandemic nabago ang pagtingin niya sa buhay, “I couldn’t stop. So I continued writing songs. But since I was alone, medyo mababagal mga nagawa ko pero they were still songs about love, I also wrote a song for my son called ‘Beautiful Kind.’
“This long pandemic, I was ready to retire, I was ready to relax. I was even ready to leave the music scene.
“But my heart was still calling like I still had something to do. Something to give. i was praying and asking for a sign. The heavens answered. Doors were opening and opportunities started coming in,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.