Netizens napa-wow sa swimsuit photo ni Kathryn; nabitin sa 'Boracay vacay' | Bandera

Netizens napa-wow sa swimsuit photo ni Kathryn; nabitin sa ‘Boracay vacay’

Ervin Santiago |January 06,2021
facebook
share this

Netizens napa-wow sa swimsuit photo ni Kathryn; nabitin sa ‘Boracay vacay’

Ervin Santiago - January 06, 2021 - 09:25 AM

BITIN na bitin ang Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo sa ilang araw na pagbabakasyon niya sa isla ng Boracay.

Sa Bora nag-celebrate ng holiday season ang Kapamilya actress kasama ang boyfriend na si Daniel Padilla at ang kanyang pamilya.

Ilang litrato ang ipinost ni Kathryn sa kanyang Instagram account na kuha sa paglalamiyerda nila sa Boracay. Isa nga rito ay ang sweet photo nila ni DJ kung saan kitang-kita ang kagandagan ng Bora.

Siyempre, kilig na kilig naman ang mga KathNiel fans sa paandar na beach photo ng magdyowa kung saan nagbiro pa nga si Kath sa inilagay niyang caption. May pahula session pa siya para sa kanilang supporters.

Napa-wow naman ang mga netizens sa mga sumunod na post ni Kathryn kung saan kitang-kita nga ang kanyang kaseksihan, lalo na sa suot niyang sexy black swimsuit.

Dito nga nabanggit ni Kath na napakabilis talagang dumaan ng mga araw dahil kailangan na nilang umuwi at bumalik sa Maynila.

“Back in Manila, but I think I left my mind in Boracay. How come time flies by so fast whenever we’re on vacay? Rewind please!” ang isinulat niyang caption sa nasabing post.

Pinusuan at ni-like ito ng libu-libo niyang IG followers na nagsabing kahit matagal pa ang summer ay hot na hot na ang girlfriend ni DJ. Bihira lang mag-post ng sexy photos si Kathryn sa social media pero talagang pasabog ang datingan.

May nagbiro pa nga sa dalaga kung nagpaalam ba siya kay Daniel sa ipinost niyang swimsuit photo dahil kilala nga ang binata na isang conservative dyowa.

Samantala, isang taon na ring nagba-vlog si Kathryn at in fairness, umabot na sa mahigit 2.64 million ang kanyang subscribers.

Last weekend, inalala ng aktres ang first anniversary ng kanyang YouTube channel na Everyday Kath kalakip ang isa niyang beach photo.

Aniya sa caption, “Happy 1st anniv, #EverydayKath!”

Ayon sa dalaga, ang Everyday Kath ay isa sa mga naisip niyang paraan para mas makilala pa siya ng kanyang fans, “Especially the not-so-glamorous part that you don’t always get to see on TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“No script, no fuss, no pretense. Just me. Just your average Everyday Kath,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending