Claire dumepensa sa Christine Dacera rape-slay: This is so unfair pero malulusutan ito ng anak ko | Bandera

Claire dumepensa sa Christine Dacera rape-slay: This is so unfair pero malulusutan ito ng anak ko

Ervin Santiago - January 06, 2021 - 09:11 AM

“PAIRALIN naman natin ang logic!” Iyan ang panawagan ng veteran singer na si Claire dela Fuente matapos mapabilang sa listahan ng mga suspek sa pagpatay at panggagahasa kay Christine Dacera ang kanyang anak.

Umapela si Claire sa publiko na huwag munang husgahan ang anak na si Gregorio Angelo de Guzman dahil hindi pa naman napatutunayan sa korte na siya’y may kasalanan.

Ani Claire, naiintindihan niya ang nararamdaman ngayon ng nanay ni Christine na si Sharon sa pagkawala ng kanyang anak dahil isa rin siyang ina.

“I feel sorry for her. Naiintindihan ko totally ang nararamdaman niya, ‘yung rage, I understand that. Sobrang masakit para sa isang ina ang mawalan bigla ng anak. Di ko rin kakayanin,” ang pahayag ng beteranang singer sa panayam ng ABS-CBN.

“Pero sana naman may balancing act, maging resonable tayo para ‘di tayo makasakit ng mga inosente at makapagbiktima ng ibang tao. Let’s not put innocent people in jail!” dugtong ni Claire.

Naniniwala rin siya sa sinasabi ng anak na wala itong kinalaman sa pagkamatay ng flight attendant. Hindi rin daw tama na akusahan agad si Gregorio, na isang chef at fitness instructor, bilang suspek sa kasong provisional homicide rape.

“This is so unfair but I know that God has a reason for all of this. The truth is on our side and I am confident na malulusutan ito ng anak ko,” paliwanag pa ng singer.

“Siya ang nag-CPR sa kanya. Gusto niya talagang mabuhay ‘yung tao, kaya siya tumawag sa akin that time. Iyak siya nang iyak. He was so frustrated because he wanted to save her life but was not able to,” dagdag pang pahayag nito.

Pakiusap pa niya, “Pairalin naman natin ang logic! At hindi totoo na nagtatago ang anak ko. From the start, nandiyan lang siya following police advisory.

“At ano ‘yung case na provisional homicide rape? Ngayon ko lang narinig yon. Together with our lawyer, I am here to support my son!” paninindigan pa ni Claire dela Fuente.

Nauna nang itinanggi ni Gregorio na pinatay at ni-rape nila si Christine, “Nandu’n po kami, hindi namin iniwan si Tin until the end. Hindi namin iniwan si Tin. Kaya ang sakit ng mga sinasabi nila. Hindi nila alam ang nangyari.

“Nandu’n kami sa police station, sa ospital, sa hotel, hindi namin siya iniwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Absurd po (pagkakadawit sa kaso). Paano po naging rape? Bakla po ako. Hindi po ako  nakipagtalik sa babae, never in my life,” depensa pa ng suspek.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending