Mga suspek sa panggagahasa at pagkamatay ng flight attendant nakilala na | Bandera

Mga suspek sa panggagahasa at pagkamatay ng flight attendant nakilala na

Karlos Bautista - January 05, 2021 - 07:27 PM

Mula sa Instagram ni Christine Dacera

Ginahasa ang flight attendant na si Christine Angelica Dacera, ayon sa imbistigasyon ng pulisya sa kasong naganap noong Bisperas ng Bagong Taon sa Makati City na itinuturing nitong sarado na.

“Considered po itong solved kasi identified po ang suspects and then it was resolved already by SOCO [Scene of the Crime Operatives],” ayon sa tagapagsalita ng Philippine National Police na si Brigadier General Usana.

Si Dacera, 23, ay natagpuang walang malay sa bathtub ng hotel kung saan siya at 11 iba pa ay magkakasamang nagdidiwang para sa pagpapalit ng taon. Dalawang magkadikit na kwarto ang inokupa ng grupo.

Sinampahan ng provisional na kasong rape with homicide ang mga lalaki. Tatlo sa kanila ay sumuko na sa pulisya habang pinaghahanap pa ang walong suspek.

Sa inisyal na imbistigasyon ng SOCO,  may indikasyon ng pang-aabusong sekswal na nangyari sa flight attendant ng PAL Express. May laceration at nakuhanan ng semilya ng lalaki ang ari ng biktima.

“There was a manifestation that sexual abuse has been committed. Base sa initial investigation mayroong sexual abuse na posibleng nangyari,” ayon kay Usana.

Pero sinabi ni Usana na ang kasong panggagahasa at pagpatay ay hindi pa maituturing na “cleared” dahil hindi lahat ng suspek ay naaresto na.

“Ang case solved po is iyong kapag identified na po ang suspect. Case cleared kapag naaresto na lahat ng suspect and they are already brought to the court so cleared na po iyon,” paliwanag ni Usana.

Kaugnay na balita
11 lalaki kinasuhan sa pagkamatay ng flight attendant

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending