Janella, Markus handa na sa New Year pasabog: It's time...8 p.m. | Bandera

Janella, Markus handa na sa New Year pasabog: It’s time…8 p.m.

Reggee Bonoan |January 05,2021
facebook
share this

Janella, Markus handa na sa New Year pasabog: It’s time…8 p.m.

Reggee Bonoan - January 05, 2021 - 05:20 PM

“IT’S time 8pm link bio.” Ito ang caption ni Janella Salvador sa bago niyang post sa Instagram ngayong hapon.

Makikita rito ang silhouette ng  imahe ng babae na may kalong na sanggol. Pinaniniwalaang si Janella at ang kanyang baby ang nasa litrato.

Larawan naman ng hintuturo ng boyfriend ni Janella na si Markus Patterson na nakadikit sa mumunting daliri ng bagong silang na baby ang makikita sa Instagram account ng aktor na obviously ay ang anak nga nila ni Janella.

Matatandaang nagpunta ng London sina Janella at Markus noong Setyembre kasama ang nanay niyang si Jenine Desiderio at bunsong kapatid na lalaki kaya malakas ang alingasngas na buntis ang aktres at manganganak ng Oktubre, 2020.

Makailang beses ma naming naisulat dito sa BANDERA na nasa interesting stage na si Janella base na rin sa komento ng netizens na nasubaybayan ang journey ng aktres at ng relasyon nila ni Markus.

Anyway, noong Oktubre ay nag-post si Markus ng larawan ng bata na nasa hospital at nasa background si Janella pero kaagad din itong binura ng aktor.

Mas lumakas pa ang hinala ng lahat na kahit na kinukumpirma na ng lahat na nanganak na si Janella ay hindi nila ito kinokontra ni Markus.

At heto na nga, mamayang 8 p.m. na mapapanood ang first video vlog ng  “M&J” sa kanilang YouTube channel kung saan inaasahang ibabandera na nina Janella at Markus ang buong katotohanan.

Samantala, ngayon pa lang ay ang dami nang bumabati kina Janella at Markus at halos lahat ay puro heart emoji ang komento bukod pa sa kanilang mga mensahe.

Ang tanong ng katabi namin habang sinusulat ang balitang ito, “Ang galing ‘no, first vlog nila, tiyak na hahataw ang views nito sa YT dahil maraming gustong malaman ang kuwento kung paano nagbuntis si Janella at kung ano ang plano nila ngayong may anak na sila ni Markus.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending