Melai niregaluhan ng bagong sasakyan si Jason: Best gift ever, matagal na niyang pangarap 'to | Bandera

Melai niregaluhan ng bagong sasakyan si Jason: Best gift ever, matagal na niyang pangarap ‘to

Ervin Santiago |January 05,2021
facebook
share this

Melai niregaluhan ng bagong sasakyan si Jason: Best gift ever, matagal na niyang pangarap ‘to

Ervin Santiago - January 05, 2021 - 03:58 PM

SA wakas, naibigay na rin ni Melai Cantiveros sa kanyang asawang si Jason Francisco ang matagal na nitong pinapangarap na sasakyan.

Sinorpresa ng TV host-comedian ang kanyang mister kamakailan nang dalhin na sa kanilang bahay ang dream car nito.

Sa latest vlog entry ni Melai sa kanyang YouTube channel, ibinahagi nga ng Kapamilya comedienne kung paano niya naitago kay Jason ang bongga-bongga niyang pasorpresa para sa asawa.

Ang drama ni Melai, pupunta lang siya sa clinic ni Dra. Vicki Belo para sa kanyang appointment. At habang nasa biyahe sila, tinanong niya si Jason kung ano ang gusto nitong matanggap na Christmas gift.

Pabirong sagot ni Jason kay Melai, “Small na aso, medium na aso, at large na aso.” Pero sey ng komedyante, nais niya raw makapag-travel sila ng pamilya kung mabibigyan uli ng chance.

Kasunod nito, sinabi pa ni Jason na mas gusto niyang siya ang nagreregalo, “Gusto ko ako ang nagbibigay ng gift, ‘di ako ang binibigyan.”

Dumiretso na nang bahay si Jason pagkahatid kay misis, kaya wala siyang kaalam-alam na inaayos na pala nito ang nabiling dream car ng kanyang asawa.

“Grabe kong (inilihim) to. Ito talaga ang masasabi niyang ‘the best gift ever’ dahil matagal niya itong pinangarap.

“At ang color nito ay the best for him. So I’m sure na magugustuhan niya ito,” ang pahayag ni Melai sa video habang ipinakikita ang reaksyon ni Jason nang iabot na sa kanya ang susi ng sasakyan.

Sey naman ng Kapuso comedian, natutunugan na niya na may sorpresa sa kanya si Melai pero nagulat pa rin siya nang i-park na sa harap ng bahay nila ang bagong sasakyan.

“Wala akong masabi. Happy. Thank you,” sagot ni Jason nang tanungin ni Melai kung ano ang feeling nito nang matanggap ang kanyang Christmas gift.

Dugtong pa niya, “Kaya pala si Ate Lulu kunwari kinukuhanan ng video ‘yung daga. Kaya ako nagtataka bakit nakaharap sa akin ‘yung camera.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit naman sa kanya ni Melai, “Kung akala mo lang, babayaran mo ‘yan monthly.”

Nitong nakaraang buwan ay nag-celebrate rin ang mag-asawa ng kanilang 7th wedding anniversary.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending