Epal na basher basag na naman kay Korina: Ikaw ang pinakabruha sa lahat! | Bandera

Epal na basher basag na naman kay Korina: Ikaw ang pinakabruha sa lahat!

Ervin Santiago |January 05,2021
facebook
share this

Epal na basher basag na naman kay Korina: Ikaw ang pinakabruha sa lahat!

Ervin Santiago - January 05, 2021 - 09:40 AM

SIGURADONG mas magiging palaban pa ang veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez sa mga epal at laiterang bashers ngayong 2021.

Kung may isang sikat na celebrity na nambabasag at talagang walang takot na pumapatol sa kanyang haters, yan ay walang iba kundi si Korina.

Kapag may mga trolls na nanglalait at nambu-bully sa kanya ay hindi siya nagdadalawang-isip na sagutin at kontrahin ang mga ito kasabay ng pagtawag niya ng “bruha” sa bashers.

At dahil diyan, binansagan nga siyang “bruha slayer” ng kanyang fans and followers at talagang pinanindigan na niya ang titulong yan.

Nito nga lang nakaraang linggo, bago mag-Bagong Taon, may kinastigo na namang “bruha” si Korina na nagkomento sa isa niyang Instagram post.

Ito yung litrato niya sa isang “Uber charming restaurant” na nadiskubre niya recently sa Tagaytay. Comment dito ng isang IG user, “Bruha is in the house. wheres your broom?”

Banat naman ni Korina sa kanya, “Nawawala ang broom ko. Padala ka saken.

“Diba ikaw Yung bruha supplier dahil ikaw ang pinaka bruha sa lahat?

“1 follower? Nag sarado ka na ng tindahan troll (thumbs down emoji),” hirit pa ng TV host-news anchor.

Sa isang panayam, sinabi ng wifey ni dating Sen. Mar Roxas na nagsimula siyang pumatol sa mga haters nang ipasara ng Kongreso ang ABS-CBN sa pamamagitan ng pagkontra sa muling pagre-renew ng franchise application ng network.

“Alam mo, dapat kapag may namba-bash sa ‘yo, ginawa ko nang ugali na titingnan ko yung profile pic. Yung profile pic, yung kanilang one-liner, yung kadalasan, ‘yan, troll ‘yan.

“At kung troll, wala halos follower at iilan lang ang post. Kapag ganu’n, nilalaro ko na lang sila. Para maaliw nang konti ang mga followers ko,” ani Korina.

Narito ang ilan sa mga “bruha slayer” moments ni Korina.

Pang-ookray ng netizen, “Hi gurang @korina, ganda ng bulaklak mo ah, bagay sa amoy lupang gaya mo.”

Resbak ni Korina, “Aba, eh ‘di all I can say is, I’m happily and beautifully and fabulously over fifty. Ang edad ay normal lang pero ‘Day, tiningnan ko ang profile pic mo, bata ka pa lang mukha ka nang 75. Magpa-Belo ka na, baka may pag-asa ka pa, bruha ka, leave!”

Sey naman ng isa pang basher, “Mukha kang bading, mas maganda pa yung bading na naritoke ang mukha.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit ng news anchor sa kanya, “Aba, kung magsabi kang salitang bading, parang bad word. Excuse me, kung hindi ka duwag at kalahati, humarap ka at pumagitna ka sa sampung bading at sabihin mo ‘yan para malapa ka nang buhay,” Sanchez said, who is a proud ally of the LGBTQIA+ community.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending