Jodi nagulat nang ipakilala na sa kanya ni Thirdy ang GF: Agad-agad! now na!? | Bandera

Jodi nagulat nang ipakilala na sa kanya ni Thirdy ang GF: Agad-agad! now na!?

Ervin Santiago |January 05,2021
facebook
share this

Jodi nagulat nang ipakilala na sa kanya ni Thirdy ang GF: Agad-agad! now na!?

Ervin Santiago - January 05, 2021 - 09:34 AM

KAHIT inaasahan na ni Jodi Sta. Maria ang pagbibinata ni Thirdy Lacson, may “shock factor” pa rin nang malamang may girlfriend na ang anak.

Ayon sa Kapamilya actress, nakakundisyon na ang isip at puso niya na darating talaga ang panahon na magkakaroon din ng sariling buhay si Thirdy lalo pa’t napakabilis tumakbo ng panahon ngayon pero nagulat pa rin siya nang sabihin ng anak na may dyowa na ito.

Sa latest YouTube vlog ng actress-film producer, humarap sa madlang pipol ang mag-ina para sagutin ang ilang tanong ng netizens. Ito’y habang mine-make-apan nga ng binatilyo ang kanyang mommy.

Isa nga sa mga naitanong kay Jodi ay kung ano ang naging reaksyon niya nang unang makilala ang girlfriend ng anak.

Hindi agad nakasagot ang single mom at tumingin muna kay Thirdy na tila nanghihingi ng saklolo saka nag-dialogue ng, “Alam ko naman na darating iyong time na magkakaroon ng girlfriend si Thirdy.

“It was just it came as surprise to me dahil hindi ko ine-expect na ito na, agad-agad, now na,” natatawang sey ng aktres patungkol sa kanyang 15 years old na anak.

Sundot na tanong kay Jodi kung nagselos ba siya nang malamang may GF na si Thirdy, “Hindi. Hindi naman ako nakakaramdam ng selos.”

Walang binanggit na detalye si Thirdy tungkol sa kanyang non-showbiz partner pero makikita ang girl sa ilang litrato na ipino-post ng binatilyo sa kanyang Twitter account.

Sa isang bahagi ng vlog, nagpalitan din ng mensahe para sa isa’t isa ang magnanay. Ayon kay Thirdy, “Si Mommy, deserve niya ‘yung buong mundo. Kasi lahat ng sacrifices ni Mommy para sa akin, hindi ko magagawa iyon para sa kaniya, e.

“Si Mommy, nagwo-work palagi. Ngayon ngang may COVID, kaysa mag-rest siya, nagwo-work hard siya para sa amin, para may malagay sa table namin. ‘Yung mga mommy talaga, para silang superheroes,” dagdag pa ng anak ni Jodi sa ex-husband na si Pampi Lacson.

Sagot naman ni Jodi sa anak, “It’s very affirming what you said, anak, and validating. Iyong alam mo na may nagagawa kang tama para sa anak mo, para sa pamilya mo.”

Sa mensahe ng aktres para sa 15th birthday ng anak last December, sinabi ni Jodi na palagi niyang ipinagdarasal na lumaking gentleman, matulungin at responsable ang anak.

“Watching you grow has been the delight of my life (okay fine may halong takot din) I look at you and I couldn’t help but get excited about the dreams you will achieve and the mountains you will conquer.

“I know struggles and tears are inevitable..but my prayer is that you will grow into the person you were meant to be. Maligayang Kaarawan, Muy!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mahal na mahal ka namin. Hindi ako titigil sa pasasalamat sa Diyos dahil ibinigay ka Niya sa akin,” sabi pa ng award-winning actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending