Maswerte si Joem kay Meryll; Maricel tuwang-tuwa sa bagong silang na ‘apo’
HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay kaka-post lang ni Meryll Soriano ng larawang karga ni Maricel Soriano ang baby nila ni Joem Bascon.
Bale “apo” na rin ng Diamond Star ang bagong baby ni Meryll. Si Maricel ay ate ni Becbec Soriano, ang nanay ni Meryll na nakarelasyon ni Willie Revillame noon.
Hindi naging asawa ni Willie si Becbec at nang maghiwalay sila dalawang babae ang pinakasalan ng TV host — sina Princess Punzalan at Liz Almoro pero parehong hindi nag-work ang kanilang married life.
Ang caption ni Meryll sa larawan nina Marya at ng bunso niyang anak, “Surprise visit from Mommy 2. Pinakaunang bisita! We love you, Mommy 2.”
Ipinakita na ng aktres ang itsura ng anak nila ni Joem sa pamamagitan nga ng Instagram pero hindi pa niya niri-reveal kung ano ang pangalan nito.
Bukod sa litrato nina Maria, nag-post din ang aktres ng litrato ng panganay niyang si Elijah na karga ang kapatid nito at ang nakalagay lang sa caption ay, “Brothers (emoji heart).”
Nauna rito, nag-post din ang anak ni Willie Revillame ng litrato kung saan karga niya ang anak habang nasa harapan naman nila si Joem na akmang hahalikan ang bata. Kasunod nito, ibinahagi rin niya ang kuha ng sanggol habang kalong ng kanyang Lolo Willie.
Samantala, binalikan naman ng mga netizen ang panayam namin noong December, 2019 kay Joem Bascon sa YouTube kung saan mega-deny ang aktor na nagkabalikan sila ni Meryll.
Komento ni @JennieSuante, “Deny to death but after few months or about a year may baby na agad sila. Parang di naman nanghinayang sa 8 years si loko. Basta Dodong talaga…. Same with my Ex. But I am happily engaged na.”
Say naman ni @MaebelCorrecesMedina, “C Meryll iniinterview din sa likod. For sure, sabay umuwi yan.’’
Ang comment naman ni @GinaAlvarez, “Masuwerte c Joem mabait c Meryll.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.