Alden ido-donate sa fan na may cancer ang napanalunan sa Bawal Judgmental | Bandera

Alden ido-donate sa fan na may cancer ang napanalunan sa Bawal Judgmental

Ervin Santiago - January 03, 2021 - 09:16 AM

IDO-DONATE ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang napanalunang pera sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” sa kanyang fan na may cancer.

Ang Pambansang Bae ang nagsilbing celebrity judge sa “Bawal Judgmental” sa episode kahapon ng Kapuso noontime show bilang bahagi ng kanyang 29th birthday celebration.

Ang naging choices naman ni Alden ay mga young entrepreneurs na nagsimulang magnegsoyo noong sila ay 21 years old pababa.

Isa lang ang naging maling sagot ng Kapuso Drama Prince sa kabuuan ng nasabing segment kaya P45,000 ang kanyang napanalunan.

Sabi ni Alden, ibibigay niya ang kanyang cash prize sa isa niyang supporter na tinamaan ng cancer.

“‘Yung nakuha ko pong pera rito, ido-donate ko po sana doon po isa kong fan na Aldenatics, si Elani Roldan na cancer patient po ngayon, Bossing,” sey ng binata sa veteran TV host-comedian na si Vic Sotto.

“Ang nangyari po kasi, mayroon po siyang breast cancer pero gumaling po eventually. And then nito lang pong huli, a few months ago, bumalik po ulit yung cancer niya.

“Ngayon naman po, nasa lungs naman po saka sa bone. Doon ko na lang po ibigay ‘yung premyo,” lahad pa ng award-winning actor.

Bago matapos ang “Bawal Judgmental” kahapon, naglambing pa si Alden kina Bossing at Maine Mendoza ng pangdagdag sa financial assistance na ibibigay niya sa kanyang fan.

Samantala, ngayong 2021, isa sa mga nasa wishlist ni Alden ay ang magkaroon ng project sa ibang bansa at makatrabaho ang ilang international stars.

“I want life to surprise me, isa rin talaga sa wishlist ko is to do an international acting job, or to work with international actors in an international project.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Isa ‘yun sa dreams ko talaga kasi acting is my life. I want to show the world na may naibubuga rin pala ‘yung mga Pinoy sa international scene, especially sa acting,” pahayag pa ng Pambansang Bae.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending