Andrea nakamit ang pangarap na bahay sa kabila ng pandemya | Bandera

Andrea nakamit ang pangarap na bahay sa kabila ng pandemya

Reggee Bonoan - January 02, 2021 - 03:42 PM

Mga larawan mula sa Instagram ni Andrea Brillantes

Natupad ang pangarap ni Blythe — mas kilala bilang si Andrea Brillantes o sa karakter na Marga sa teleseryeng “Kadenang Ginto” — na sa bagong bahay na nila sasalubungin ang 2021.

Naikuwento ni Andrea sa “Kadenang Ginto” Finale presscon nitong Pebrero 2020 na malaki ang nagawa ng teleserye sa pagbabago ng buhay nilang pamilya. Sa halos dalawang taong pag-ere ng serye ay nakapag-ipon siya para ipang-down sa lupang nabili para patayuan ng bahay.

Mabuti na lang at malakas kumita ang YouTube channel nilang The Gold Squad, kasama sina Seth Fedelin, Francine Diaz at Kylie Echari na may 2.62 million subscribers. Naitawid nito ang mga panggastos ni Andrea sa panahon ng pandemya mula Marso hanggang Nobyembre.

Malaking tulong din ang mga pino-post niyang produkto sa kanyang IG account/story dahil nitong Disyembre nagsimulang magkaroon ulit ng serye ang The Gold Squad na mapapanood na ngayong taon.

Anyway, nitong Agosto 2020 ay pinost ng batang aktres ang unang pasilip niya sa bahay na ginagawa na at kahapon,  Enero 1, ay gawa na ang magandang bahay na mala Mexican style ang tingin namin.

An caption ni Andrea sa larawang pinost niya, “You were my longest (10 years) and most difficult dream to come true. You have always been at the back of my mind since I was young pushing me to work harder. I’m so happy you made it this year with everything that happened, I’m soooo happy..

“To my BRILLANTS! thank you for always having my back and supporting me since day 1! I swear i wouldn’t have come this far without you all,” wika niya.

“Happy New Year everyone!!!! May we all be blessed and have breakthroughs this 2021.”

Binati naman kaagad si Andrea ng nanay niya sa KD na si @dimplesromana, “ Congratulations to you my Marga baby! You are not a Mondragon for nothing  #ProudMotherDragon #ProudAteDimpsForever.”

Siyempre ang manager niyang si Tita Becky Aguila na bata pa lang ay inalaagan na niya, “@blythe Congratulations!”

Ang kaibigan niyan si Casey Legaspi ay bumati rin kay Andrea, “congrats blythe babes!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pawang pagbati ang nabasa naming mga komento sa batang aktres at umabot naman sa 412,000 ang nag-like sa bahay niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending