Hirit ni Neil Arce kay Angel Locsin: Sa 2021 akin ka na! | Bandera

Hirit ni Neil Arce kay Angel Locsin: Sa 2021 akin ka na!

Ervin Santiago - January 01, 2021 - 10:04 AM

TULOY na tuloy na ngayong 2021 ang pagpapakasal nina Angel Locsin at Neil Arce.

Ito ang ibinandera ng film producer sa mismong New Year’s Eve sa pamamagitan ng kanyang social media account na pinusuan at ni-like ng mga netizens, kabilang na ang mga kaibigan nila sa showbiz.

“Nagsimula sa camping sa kasalan pala mauuwi. Sa 2021 sa ’kin ka na,” ang maikli ngunit punumpuno ng kahulugang caption ni Neil sa kanyang Instagram post.

Sinagot naman ito ni Angel ng, “Through thick and thin.” At sinundan pa ng nakakakilig na, “Sayo naman ako.”

Hirit naman ni Neil sa kanyang future wife, “Fishing lang po (red heart emoji).

Ilan sa mga nagkomento sa palitan ng mensahe nina Neil at Angel ay sina Chito Miranda, Angelica Panganiban, Bubbles Paraiso, Barbie Imperial, Kim Molina at marami pang iba.

Nag-request pa nga si Neil kay Chito na gawan nito ng long caption ang IG post niya na sinagot naman ng OPM icon ng, “Sige, sige. Hahahaha!”

Kung hindi nangyari ang COVID-19 pandemic ay kasal na sana ngayon ang engaged couple. Nagdesisyon sila na ipagpaliban muna ang kanilang wedding noong kasagsagan ng lockdown sa bansa.

“So, we were supposed to get married today (grinning emoji) Nov 8, 2020 [wedding ring]. How about you guys? Did you have plans this year that got moved? Can’t wait a few more months (bride and groom emoji),” post noon ni Angel.

Reply naman ni Neil, “A few more months…(heart emoji) can’t wait to be your husband (blowing kiss emoji).”

Mas pinagtuunan kasi ng atensyon ng celebrity couple ang pagtulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng pandemya.

Isa si Angel sa mga celebrities na itinuturing na bayani sa panahon ng pandemya dahil sa pag-aalay ng kanyang oras at sariling pera para sa mga nawalan ng kabuhayan at trabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

June, 2019 nang ibandera ni Angel na engaged na siya kay Neil makalipas ang mahigit isang taong relasyon bilang magkaibigan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending