Ivana, Liza pasok sa 100 Most Beautiful Faces 2020; Vicky, Ivan ‘Bayaning Pilipino Frontliners’
DALAWANG Filipino lang ang maswerteng nakapasok sa “100 Most Beautiful Faces” list ng TC Candler ngayong 2020.
At yan ay walang iba kundi ang sexy star-vlogger na si Ivana Alawi at Kapamilya actress Liza Soberano na anim na beses nang napasama sa nasabing listahan.
Nasa 11th spot ng “100 Most Beautiful Faces” si Ivana habang nasa ika-14 pwesto naman si Liza. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na napasama ang pangalan ni Ivana sa TC Candler’s list.
Sa anim na taon namang pagkakasali ni Liza sa listahan, isang beses siyang naging number one. Taong 2017 nang itanghal ang girlfriend ni Enrique Gil bilang “The Most Beautiful” ng TC Candler.
This year, ang nanguna sa listahan ay ang Israeli model na si Yael Shelbia. Ang ibang celebrities na nakapasok sa Top 10 ay sina Nancy Jewel McDonie, Josie Lane, Nana, Halima Aden, Thylane Blondeau, Emilie Nereng, Tzuyu, Meika Woollard at Lalisa Manoban.
Ayon sa statement ng TC Candler, “the list is not about the hottest or the most famous celebrity. Rather, the list attempts to inform and broaden public opinion, instead of reflecting it.”
* * *
Kinilala ang ilang GMA News personalities bilang mga “Bayaning Pilipino” para sa kanilang di matatawarang serbisyo at pagtulong sa ating mga kababayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa larangan ng TV, pinangunahan ng “24 Oras” anchor at “Wish Ko Lang!” host na si Vicky Morales ang mga tumanggap ng “Bayaning Pilipino Frontliners” award sa katatapos lang na 15th Gawad Filipino Awards. Kabilang din ang “24 Oras Weekend” at “Unang Balita” anchor na si Ivan Mayrina sa mga nanalo sa awarding ceremonies na ginanap nitong Linggo, Dec. 27.
“Bayaning Pilipino Frontliners” din ang turing sa GMA News reporters na sina Mariz Umali at Saleema Refran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.