BILLY ayaw nang pag-usapan pa si NIKKI, dinedma ang B-DAY ng EX-GF | Bandera

BILLY ayaw nang pag-usapan pa si NIKKI, dinedma ang B-DAY ng EX-GF

Ervin Santiago - August 28, 2013 - 03:00 AM

NAKABALIK na ng bansa si Billy Crawford mula sa ilang linggong pagbabakasyon sa Amerika kung saan dinalaw nga niya ang kanyang pamilya. Ito’y matapos ang kontrobersiyal na paghihiwalay nila ng dating girlfriend na si Nikki Gil.

Kung matatandaan pinag-usapan nang bonggang-bongga ang break-up ng dalawang Kapamilya celebrities dahil talagang nabigla ang lahat sa kinauwian ng kanilang relasyon. Akala kasi ng marami ay maayos na maayos ang kanilang pagsasama, ‘yun pala puro problema na ang hinaharap nila.

Isa si Billy sa mga nakiisa sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Maring at Habagat kamakailan, at dito nga nagkaroon ng pagkakataon ang ilang members ng media para kumustahin siya.

“Mabuti. Mabuting mabuti naman ang naging pagkikita namin (ng famiy). Just like any other normal family, bonding kami, daddy at mommy ko. I’m very, very good. I’m very, very blessed. It’s just good to be back with family,” aniya.

Ayaw nang idetalye ng TV host-actor ang mga ginawa niya sa Amerika, ang importante raw ay nagkaroon uli sila ng panahon ng kanyang pamilya para magkasama-sama.

Inamin din ni Billy na hindi niya tinext or tinawagan si Nikki para batiin nu’ng mag-celebrate ito ng kaarawan kamakailan. Ang tanging nasabi niya, “Not yet. Wala pa eh,” sabay pakiusap sa press na, “I don’t really want to about this anymore.

Thanks!” Samantala, kahit na nga may pinagdaraanan, hindi pa rin nagdamot ng kanyang panahon si Billy para mag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng huling kalamidad sa bansa, aniya, ito ‘yung tamang panahon para ibalik sa publiko ang ibinibigay nilang pagmamahal sa mga artista.

“I think artista or not artista, I think we just want to help each other. I think it’s time to give back, especially kaming artista. Sila kasi sumusuporta sa amin, sila yung nanonood sa amin.

Kahit konting pagtulong lang kailangan nila—bigas, canned foods, damit, tsinelas, sapatos—whatever it is, kahit konti lang makakatulong.

For us to set an example to do that, I think it’s a blessing,” paliwanag ng dating boyfriend ni Nikki Gil.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending