Bunsong anak ni Tekla nabinyagan na; bongga ang mga ninong at ninang | Bandera

Bunsong anak ni Tekla nabinyagan na; bongga ang mga ninong at ninang

Ervin Santiago - December 29, 2020 - 09:39 AM

SA wakas, natupad na rin ang isa sa mga hiling ni Super Tekla ngayong holiday season: ang mabinyagan na ang bunso niyang anak na si Baby Angelo.

At huwag ismolin, dahil bigatin din ang mga tumayong ninong at ninang ng sanggol kabilang na nga riyan ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.

Ibinahagi ni Tekla sa publiko ang pagpapabinyag nila kay Baby Angelo sa pamamagitan ng joint YouTube channel nila ng kaibigang si Donita Nose.

Bukod nga kay Mega, ang ilan pang ninang ni Baby Angelo ay sina Ariella Arida, Lovely Abella at Ethel Booba habang ang mga ninong naman ng bagets ay sina Boobay, Betong Sumaya, Nelson Canlas, at ang tatlong Beks Battalion na sina Chad Kinis, MC at Lassy.

Nasa binyag din ang panganay na anak ni Tekla na si Aira na dalagita na rin ngayon. Aniya, dito na siya sa Maynila maninirahan kasama ang kanyang ama kaya naman super excited na rin siya.

Kuwento ni Aira, masayang-masaya siya na magkakasama na sila palagi ni Tekla pati na ang kanyang kapatid, “Noong una umiyak ako kasi hindi niya sinabi sa akin na may kapatid ako.”

Wish niya para kay Baby Angelo, “Good health sa kanya at sana maging good boy siya paglaki niya.”

Kung matatandaan, ibinalita ni Tekla na ipinanganak na ang baby nila ng dating live-in partner na si Michelle Bana-ag. Ngunit nabahala sila nang husto nang malamang may anorectal malformation o walang butas ang puwit ang sanggol.

 

Kaya naman kahit kapapanganak pa lang ay kinailangang sumailalim siya sa agarang operasyon. Bumuhos ang tulong para sa bata kabilang na ang financial help mula sa ilang celebrities na nagmamahal sa Kapuso comedian.

 

Kabilang na riyan sina Willie Revillame, Ai Ai delas Alas, Julie Anne San Jose at Christian Bautista. May ilang kaibigan din si Tekla sa labas ng showbiz na nagpaabot din ng tulong para sa pagpapagamot ni Baby Angelo.

In fairness, masasabing fighter din ang bata tulad ng kanyang ama dahil sa mura nitong edad ay talagang lumaban siya para mabuhay at kinaya ang ilang operasyon na ginawa sa kanya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Okay na ang kundisyon ngayon ng bunso ni Tekla at maswerte rin siya na nagkasundo pa rin ang kanyang mga magulang sa kabila ng iskandalong kinasangkutan nila kamakailan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending