'Malaki ang pagkakaiba ng MMFF organizers sa mga taga-FDCP' | Bandera

‘Malaki ang pagkakaiba ng MMFF organizers sa mga taga-FDCP’

Reggee Bonoan - December 26, 2020 - 04:31 PM

ANG layo talaga ng pagkakaiba ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na siyang nasa likod ng taunang Metro Manila Film Festival.

Isa na rito ang pamamahagi ng season pass para mapanood ng mga taga-media na hiningan nila ng tulong para ma-promote ang mga pelikulang kasali sa 2020 MMFF.

Sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino 4 na isinagawa sa panahon ng pandemya ay nag-e-mail ang staff ni FCDP Chairperson Liza Dino ng passes na may access code sa lahat ng media practitioner bilang pasasalamat sa tulong sa kanila para sa promo ng mga pelikulang kasama sa PPP4.

Hindi rin naging problema ang pag-receive dahil nagpadala sila ng form na pipirmahan sa pamamagitan ng e-signature para hindi na maabala pare-pareho sa pag-deliver at pagpunta sa opisina ng FDCP sa Manila.

Kakaiba naman ang drama ang isang staff na siyang namamahala sa pamimigay ng passes para sa MMFF 2020.

Supposedly, ang MMFF spokesperson na si Noel Ferrer ang dapat humawak ng passes dahil siya ang may kakilala sa lahat ng media na nakatulong para ma-promote ang 10 pelikulang kasama ngayong taon, pero hindi ito naibigay sa kanya.

Ang Magic 10 sa filmfest ngayong taon ay ang “Fan Girl,” “The Boy Foretold By The Stars”, “Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim,” “Pakboys: Takusa,” “Magikland,” “Tagpuan,” “The Missing,” “Suarez:  The Healing Priest,” “Isa Pang Bahaghari” at “Coming Home”.

Ang katwiran ng MMDA staff ay kailangan ang mismong mga taga-media ang kumuha ng passes sa kanilang opisina para pumirma. Nagsabi kami na nasa malayong lugar kami at sa Enero 2021 pa ang balik sa Metro Manila, pero ang sagot sa amin, “Okay lang po tutal hanggan January pa naman ito puwedeng gamitin.”

And take note, nagpunta rin sa opisina nila ang katotong Mel Navarro bilang kinatawan ng Philippine Movie Press Club na kung puwedeng kunin na lang lahat ang passes para sa grupo para isahang punta na lang.

Pero nagmatigas ang MMDA staff, hindi raw puwede ang gano’n, dapat kung sino ‘yung nakapangalan sa passes siya ang pupunta.

At ang nakakatawang katwiran pa ng staff, “Pag open naman ang sinehan, ganu’n din naman kukunin din naman nila ang mga passes.”

E, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ikaw na ang may sabi, ‘kapag open ang sinehan’ e, sarado nga, di ba? Kasi COVID19 PANDEMIC!  Mahirap bang intindihin iyon? Ang pamahalaang Duterte na mismo ang nagsabi sa lahat na hangga’t maaari ay wala munang lalabas para makaiwas sa sakit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mahirap bang i-e-mail ang passes with access code at gawan ng e-signature ang media para hindi na lumabas ang members ng press?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending