Glaiza de Castro engaged na sa Irish boyfriend: It just felt right! | Bandera

Glaiza de Castro engaged na sa Irish boyfriend: It just felt right!

Ervin Santiago - December 26, 2020 - 09:14 AM

ILANG oras bago sumapit ang Pasko, natanggap ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro ang hindi inaasahang regalo mula sa kanyang Irish boyfriend na si David Rainey.

Yes, nadagdag pa sa listahan ng mga kilalang celebrities na na-engage ngayong 2020 si Glaiza matapos mag-propose sa kanya ang BF sa mismong bisperas ng Christmas.

Nasa Ireland ngayon ang dalaga para doon mag-celebrate ng Pasko kasama si David at ang pamilya nito.

Walang kamalay-malay ang Kapuso star na may plano na pala ang kanyang foreigner boyfriend na yayain na siyang magpakasal.

Sa kanyang Instagram page, ibinandera ni Glaiza ang good news kalakip ang ilang litrato nila ni David kung saan makikita ngang suot na niya ang engagement ring na ibinigay ng BF.

“Who would’ve thought I’d say yes in freezing cold weather…it just felt right,” ang inilagay niyang caption sa kanyang IG post.

Tulad ng inaasahan, bumaha ng congratulatory message sa IG ni Glaiza mula sa kanyang followers at mga kaibigan sa showbiz, kabilang na sina Marian Rivera, Angelica Panganiban, Carla Abellana, Sarah Lahbati, Iza Calzado, Arnold Clavio, Kate Valdez at marami pang iba.

Bago maganap ang proposal, ibinahagi ni Glaiza ang kanyang nararamdaman sa una niyang pagse-celebrate ng Pasko sa Ireland, “Medyo nakakapanibago lang kasi galing ka sa tropical country, e.

“Tapos once you get out of the house nandoon na ‘yung lamig, nandoon na ‘yung hangin na medyo talagang nagpe-penetrate doon sa kalamnan mo. Ha-hahaha!” aniya pa.

Nag-promise naman si David sa pamilya ng aktres na aalagaan niya ang girlfriend nang bonggang-bongga.

“We will take care of her, keep her safe, keep her warm, make sure she has lots of nice foods. Like, when I was in the Philippines February to June, and Glaiza’s family took care of me. We will do the same,” pahayag ni David.

More than two years nang magkarelasyon sina Glaiza at David, February, 2019 nang ma-meet ng aktres ang family ni David nang magbakasyon siya sa England para sa ika-30 kaarawan ng kanyang fiancé.

“Na-meet ko na yung family niya kasi nung nag-celebrate ng birthday yung twin niya sa England. May twin sister siya. It’s a big birthday. 30th birthday nila.

“Supposedly, isu-surprise ko siya. But since I was only given a limited time to be there, sinabi ko na eventually. Yung mga pamilya niya talaga, ‘Oh my god, we’re so happy that you’re coming,’” kuwento ni Glaiza sa isang panayam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Early this year, si David naman ang pumunta sa Pilipinas para makilala ang pamilya ni Glaiza ngunit inabutan siya ng lockdown sa Baler, Aurora kaya ilang buwan din siyang nanirahan sa bahay nina Glaiza.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending