Rayver Cruz nabili na ang dream house, inialay sa yumaong ina | Bandera

Rayver Cruz nabili na ang dream house, inialay sa yumaong ina

Reggee Bonoan - December 21, 2020 - 10:24 AM

FINALLY, nakabili na rin si Rayver Cruz ng sarili niyang bahay. Nasa pangalan niya ito na matagal din niyang pinaghandaan para sa future family niya.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nasa marrying age na ang binata at gayun din ang kasintahan niyang si Janine Gutierrez pero ayon sa taong malapit sa dalawa ay wala pa silang planong magpakasal dahil mas concentrated sila sa kanilang respective careers.

Kaya habang nagbibilang muna ng Best Actress award si Janine (kapapanalo lang sa FAMAS 2020 kagabi) ay inumpisahan na ni Rayver kumuha ng bahay ngayong taon na may 300 square meters at ayon sa aming pagsasaliksik ay Cribs Manila ang developer niya na matatagpuan sa South.

Kitang-kita rin naman sa mga larawang ipinost ni Rayver ang magandang bahay niya na may apat na malalaking kuwarto. Wala pang gamit sa loob dahil nga hindi pa niya magawang mamili dahil na rin sa pandemya.

Ang caption ng aktor sa mga larawan, “Tis the season to be jolly (emoji pine tree) this is for you mama I miss you so much (emoji heart).”

Sa mga nakakita ng bahay ng aktor ay marami ang nagsabing, “Dream house na nga ito ni Rayver para sa family niya.”

Oo naman kasi sa kanilang tatlong magkakapatid ay siya na lang ang “single but taken.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa nakakalipat si Rayver sa sariling bahay dahil naging abala siya sa pagtatapos ng “The Clash Season 3″ nitong Linggo ng gabi kung saan nagwagi si Jessica Villarubin ng Cebu.

Hindi man naging maganda ang taong 2020 sa buong mundo ay masasabing suwerte pa rin ito para kay Rayver dahil ngayong taon niya nakuha ang bahay niya at kung walang pagbabago, bago magtapos ang buwan ay lilipat na siya.

At maganda ang pasok sa kanya ng 2021 dahil sa Enero pa lang ay may sisimulan na siyang teleserye sa GMA pero hindi pa binabanggit kung sino ang leading lady niya.

Samantala, ang isa sa BFF niyang si Enchong Dee ang unang bumati sa kanya, “Congrats Brotha!!!.” At nagpasalamat naman kaagad si Rayver, “Thank you my brother!!!

Balik-tanong ni @mr_enchongdee, “@rayvercruz kelan tayo dyan!!!?”

“@mr_enchongdee g yan January bro! Alam ko naman na solid ang pa house warming gift mo eh kasi super besties tayo bwahahaha!” say ni Rayver.

Sinundan pa ito ng pagbati mula sa favorite dancing partner niyang si Maja Salvador. At siyempre hindi naman nagpahuli ang isa pang kaibigan ni Rayver na si Gerald Anderson.

@andersongeraldjr, “Grabe king di ka man lang nagsabi sa akin.”

Sagot ng binata, “@andersongeraldjr hahaha gusto ko surprise idol para maganda pamasko ko sa’yo pag bisita ko hahaha love you brother idol kita” at sabay hiling ng “TV pls mwah.”

At siyempre may comment din ang kuya ni Rayver na si Rodjun Cruz, “Awww! Love you bro! Sobrang proud kami sa’yo. Lalong Lalo na si Mama at Papa sa Heaven! congratulations King @rayvercruz.”

Sagot naman ng aktor, “@rodjuncruz nice one bro! Ikaw Lang naman idol ko hehehe love you!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bumabati rin ang BANDERA sa aktor sa bago niyang bahay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending