Richard Yap makakatambal si Eugene sa Dear Uge; umaming super fan ng Bubble Gang
PARA sa una niyang acting project bilang Kapuso, makakasama ni Richard Yap ang TV host-comedienne na si Eugene Domingo.
Nagsimula nang mag-taping si Richard para sa isang espesyal na episode ng dramedy (drama-comedy) anthology na “Dear Uge”.
Makikita sa ilang litrato na ipinost sa social media na magkasama sina Eugene at Richard sa set ng show at mukhang naghahanda sa mga gagawin nilang mga eksena. Nakasuot pa si Uge ng blonde at kulot na wig na may bitbit pang maleta.
Siguradong kaabang-abang episode na ito ng “Dear Uge” dahil ito nga ang unang show na gagawin ng dating Kapamilya actor sa GMA 7.
Last week, pumirma ng management contract si Richard sa GMA Artist Center, “Now that I’m already here, I’m really grateful to GMA for betting on me na when at this time of pandemic ang daming ibang stations that are letting go of people.
“There are so many people losing their jobs. I guess I’m just so lucky to be accepted and to be a part of GMA,” aniya.
Ayon pa sa aktor, excited siyang mag-try naman sa comedy kaya bukod sa “Dear Uge”, nakatakda rin siyang mag-guest sa “The Boobay and Tekla Show”.
“Expect the unexpected? I guess you can expect me to try and experiment into other genres other than the ones that I’ve done before,” chika ni Richard.
Inamin din niya na gusto rin niyang makatrabaho si Michael V dahil talaga raw fan siya ng long-running gag show ng GMA na “Bubble Gang”.
“I’ve been following Bubble Gang for a long time, ever since I was…how many years ago was that? So, Michael V. is one of the male actors that I would like to work with.”
Ilan pa sa gusto niyang makatrabaho sa GMA ay sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, Rhian Ramos at Carla Abellana.
Nais din niyang makasama uli sa isang project si Jean Garcia, “I’ve worked with Jean in a movie and we had a lot of fun working also so I’m really looking forward to working with all of these artists I’ve never worked with before.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.