Mga pasaway na magbebenta ng banned firecrackers, aarestuhin
Istriktong ipatutupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagbabawal sa mga ilegal na paputok ngayong Kapasukuhan at sa Bagong Taon.
Ayon kay DILG Undersecretary at spokesman Jonathan Malaya, inatasan na ang PNP na kumpiskahin ang mga ilegal na paputok at arestuhin ang mga mahuhulihan nito.
Kabilang sa mga ilegal na paputok ay ang piccolo, watusi, giant whistle bomb, giant bawang, large Judas belt, super lolo, lolo thunder, atomic bomb, atomic bomb triangulo, pillbox, boga, kwiton, goodbye Earth, goodbye bading, hello Columbia at goodbye Philippines.
Inatasan din ng DILG ang PNP na magsagawa ng inspeksyon sa “manufacturing complex, warehouse, at processing area” ng mga gumagawa at dealers ng paputok.
Samantala, nagpaalala naman si Bureau of Fire Protection Senior Inspector Bayani Zambrano na lahat ng uri ng public fireworks display ay bawal.
Tanging community fireworks displays lamang na pamahahalaan ng local government units ang pinapayagan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.