Magdyowang aktor at aktres pinagbawalang aminin ang relasyon sa madlang pipol
HINDI pa pwedeng ibandera ng magdyowang aktres at aktor sa publiko ang kanilang relasyon.
Sinabihan sila ng kani-kanilang mga manager na huwag muna silang aamin dahil may kanya-kanya pa silang ka-loveteam ngayon sa kanilang mga project.
Pero mukhang hindi naman na nila kailangang aminin pa dahil hindi naman itinatago ng dalawa ang kanilang relasyon. Madalas silang makitang lumalabas kahit may pandemic at take note, nakunan silang magkatabi sa isang mamahaling restaurant at hindi magkatapat.
In fairness, bagay naman sila dahil guwapo at maganda (mahilig sa magaganda si aktor). Mukhang pabor din naman ang magulang ng binata sa dalaga dahil wala naman kaming naririnig na komento na nakagawian na.
Anyway, mas maganda nga siguro kung hindi muna sila magseryoso sa kanilang lovelife dahil kailangan nilang unahin ang mga karera nila lalo na ngayong pandemdya na iilan lang ang nabibigyan ng trabaho ng kanilang TV network.
* * *
Panalo ang Christmas offering ng Original iWantTFC na mapapanood sa buong mundo dahil may 24 originals, MMFF movies at teleseryes na puwede nilang pagpilian kasama ang pamilya ngayong Kapaskuhan.
Libreng magpapalabas ngayong Disyembre ng 24 na original series at movies, ABS-CBN teleseryes, at Metro Manila Film Festival (MMFF) movies ng mga nagdaang taon.
Bawal ang malungkot at mag-isa kay Kim Chiu sa libreng original Christmas offering ng iWantTFC na “Bawal Lumabas” kung saan ginagampanan niya ang overseas worker na si Emerald. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas ngayong Pasko, susubukin niyang mapalapit ulit sa kanyang mga kapatid matapos mawalay sa kanila ng maraming taon.
Bukod sa katatawanan at nakakantig na pampamilyang kwentong nito, magdadala rin ito ng kilig para sa fans ng sikat na love team nina Francine Diaz at Kyle Echarri.
Maghahatid din ng ligaya at liwanag sa iWantTFC users ang mapagpipilian nilang original series: ang “Taiwan That You Love” ni Barbie Imperial, “Past, Present, Perfect?” nina Loisa Andalio at Shaina Magdayao, at “Call Me Tita” nina Agot Isidro, Cherry Pie Picache, Mylene Dizon, Joanna Ampil, at Angelica Panganiban.
Sa mga naghahanap ng libreng sine sa bahay, handog din ng iWantTFC ang original romantic comedy movie nina Kim Molina at Kit Thompson na “MOMOL Nights,” horror film ni Nathalie Hart na “Barbara Reimagined,” at ang “Everybody Loves Baby Wendy,” pinakahuling pelikulang ginawa ni Wenn V. Deramas na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga.
Handog din ng iWantTFC ang ultimate na pamasko sa mga gustong mag-binge-watch ng MMFF movies ng mga nakaraang taon gaya ng “Sisterakas,” “Ang Tanging Ina Nyong Lahat,” “Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To)” “Father Jejemon,” “Kasal, Kasali, Kasalo” “Mano Po” at “Tanging Yaman.”
Kasama rin sa free lineup ngayong buwan ang “Pagpag: Siyam Na Buhay,” “Dalaw,” “Bahay ni Lola,” at “Segunda Mano,” “Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga,” “Aishite Imasu: 1941: Mahal Kita,” at “I Love You, Goodbye.”
Pagsama-samahin na ang mag-anak sa panonood ng mga libreng movie at shows sa iWantTFC app (iOs and Android) o iwanttfc.com.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.