Boss ng San Miguel naniniwalang dapat ipasara ang NAIA matapos ang 10 taon | Bandera

Boss ng San Miguel naniniwalang dapat ipasara ang NAIA matapos ang 10 taon

- December 18, 2020 - 10:55 AM

Para sa tycoon na si Ramon S. Ang, nararapat lamang na ipasara na ng gubyerno ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang 10 taon at ibenta ang lupang kinatatayuan nito.

Kikita ang pamahalaan ng may P2 trilyon na magagamit para ipambayad sa utang ng bansa, wika pa ni Ang, presidente ng conglomerate na San Miguel Corp. (SMC).

“Sell the land, 646 hectares for P2 trillion and pay for government debts,” ayon sa text message ni Ang nitong Huwebes. Hindi pa malinaw kung paano nakalkula ng bilyonaryong negosyante ang halaga ng lupain ng NAIA.

Nais ni Ang na makuha ang 10-taong concession para patakbuhin ang NAIA.

Kaalinsabay nito, ang SMC ay nagpaplanong magtayo ng mas malaking paliparan, ang New Manila International Airport, sa bayan ng Bulakan sa Bulacan.

Sinabi ni Ang na mas mainam na sa kalaunan ay ipahinto na ang operasyon ng NAIA at ibenta ito o i-develop. Ang buong airport complex ay may lawak na halos 2.5 beses na mas malaki sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Pero hindi lang SMC ang may interes na makuha ang konsesyon sa pamamahala ng NAIA, ang pangunahing paliparan ng bansa.

Sa pagdinig ng Senado nitong Huwebes, sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Eddie Monreal na isa pang kompanya, ang Philippine Airport Ground Support Solutions Inc. (PAGSS), ang nagsumite rin ng offer nito para sa NAIA.

Pero maiikonsidera lamang ang offer ng SMC at PAGSS kung tuluyan nang ibabasura ng gubyerno ang offer ng  Megawide Construction Corp. at ng  partner nito na GMR Infrastructure, isang Filipino-Indian venture na nag-redevelop ng Mactan Cebu International Airport (MCIA) at Clark International Airport.

Ilang araw lamang ang nakakaraan, tinanggal ang original proponent status (OPS) ng Megawide na naglalayong mag-rehabilitate ng NAIA sa halagang  P109 bilyon at walang anumang gagastusin ang gubyerno.

Hindi ipinaliwanag ng impluwensiyal na board ng MIAA kung bakit at dahilan ito para kwestiyunin ang kawalan ng transparency sa proseso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero sa pagdinig ng Senado nitong Huwebes na pinangunahan ni Sen.  Grace Poe, nilinaw ni Transportation Secretary Arthur Tugade na hindi naman sinasarhan ang pintuan para sa Megawide-GMR.

“The project hasn’t been terminated permanently,” wika ni Tugade.

Mula sa ulat ng Philippine Daily Inqurier

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending