Ruru, Shaira sumabak na sa faceface training para sa Lolong; Kelvin Miranda may kinatatakutan | Bandera

Ruru, Shaira sumabak na sa faceface training para sa Lolong; Kelvin Miranda may kinatatakutan

Ervin Santiago - December 18, 2020 - 09:12 AM

AMINADO sina Kapuso stars Ruru Madrid at Shaira Diaz na na-challenge sila sa kanilang face-to-face training para sa pagbibidahan nilang action-adventure series ng GMA Public Affairs na “Lolong.” Matatandaang sinimulan ng dalawa ang kanilang training virtually pero siyempre iba pa rin talaga kapag face-to-face ang pagsasanay.
“Nakapag-train ako before pero kailangan mong i-refresh talaga.

So, I think iyon po talaga ‘yung mahirap.

“Even ‘yung flexibility mawawala po talaga ‘yan that’s why kailangan pong i-workout namin,” ani Ruru sa panayam ng GMA 7.

“’Yung isa rin sa part na nahirapan ako ‘yung mga sipa. Dahil hindi nga ako masyadong flexible, nahihirapan po ‘yung legs ko na sumipa nang mataas, nawawala po sa balance,” kuwento naman ni Shaira.

Marami na rin ang excited sa bagong proyekto nina Ruru at Shaira na balita namin ay talagang pinaghahandaan ng buong cast at production team ang bawat eksena.

Samantala, last Dec. 4 ay nag-celebrate rin si Ruru ng kanyang kaarawan. Sinorpresa raw siya ng kanyang pamilya.

“They told me na magpupunta lang po kami doon sa resthouse namin sa Antipolo, quality time lang with our family, ganoon lang. And then nagulat ako may mga cake.
“Kahit na ngayong mayroon pa ring mga social distancing, mafi-feel mo pa rin ‘yung love nila. Mafi-feel mo pa rin na nandiyan sila para special day mo,” pahayag ni Ruru.

* * *

Excited na may halong kaba ang nararamdaman ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda sa kaniyang nalalapit na pagganap bilang leading man sa “The Lost Recipe,” kung saan makakatambal niya si Mikee Quintos.

Ikinuwento ni Kelvin na hindi niya maiwasang isipin kung magiging maganda ang pagtanggap sa kanyang karakter.
“Ang ikinakatakot ko po talaga ‘yung mga taong may ayaw po sa akin sa loob ng industriya na kahit ano pong gawin kong mabuti o maayos may nasasabi at nasasabi pa rin po sa akin,” aniya.

Bagama’t may pressure, sobrang grateful pa rin daw si Kelvin para sa ipinagkatiwalang role at ipinangako niyang ibibigay niya ang best niya para rito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung ano man po ang makita nila, ‘yun ay tatanggapin ko. Hindi naman po ako perpekto at kung mangyari man na punahin nila ako, ako po ay magpapasalamat dahil may pagkakataon ako malaman ang mga pagkakamali ko,” pahayag pa ng binata.

Abangan ang “The Lost Recipe” sa GMA News TV dahil isa na naman itong bago at masarap na putahe na handog ng Kapuso network sa mga manonood.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending