Pops umalma na sa hiwalayang Derek-Andrea: Bakit ako nadamay?! | Bandera

Pops umalma na sa hiwalayang Derek-Andrea: Bakit ako nadamay?!

Reggee Bonoan - December 17, 2020 - 05:41 PM

FINALLY, nagsalita na rin si Pops Fernandez tungkol sa balitang siya ang ipinalit ni Derek Ramday kay Andrea Torres.

Matagal na naming alam na hindi totoo ang isyu at gusto naming isulat pero sinabihan kami ng malapit sa aktres na dedmahin na lang para hindi na lumaki.

Actually, sa isang out of town shoot ni Pops bilang producer sa isang online show na ang host ay si Roxanne Barcelo at male models na alaga ni Joji Dingcong (isa rin sa producer) ay nagkakatawanan na dahil nga ang ex-wife ni Martin Nievera ang itinurong dahilan ng hiwalayan nina Derek at Andrea.

Sabi ni Pops, “Bakit ako nadamay?” Kaya nagkatawanan ang mga mga kasamahan niya sa production.

Kasosyo ni Pops sa pagpo-produce ng online shows si Joji na manager ni Derek at ng kapatid nitong si Andrew Ramsay na pumasok na rin sa showbiz.

Nakakasama ni Pops si Andrew at magulang ni Derek, madalas din silang nagkakatawagan at nagkakasama kapag may mga dinner at isa na nga ang ginanap sa Gourmet Farms sa Tagaytay City noong huling linggo ng Nobyembre.

Base rin sa mga larawang ipinost ni Joji sa kanyang Instagram account ay wala si Derek sa grupo kaya maliwanag na walang kinalaman si Pops sa aktor.

Paliwanag pa ni Pops sa isang panayam, “Hindi ko rin po alam basta all of a sudden ang dami-dami na lang lumabas and hindi ko alam na ang dami-dami na pa lang usap-usapan.

“As a matter of fact, ang dami kong nakukuhang messages from some of my friends in the US in the Europe and tinatanong nila kung totoo. Hindi po totoo,” dagdag pa niya.

“Ang dali pa lang maniwala ng mga tao ngayon. I mean once it’s posted on YouTube, sunod-sunod na. No one really bothered to find out the truth about it. So hindi po totoo,” depensa pa ng singer-actress-producer sa nasabing panayam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending