Resbak ni Awra kay Buknoy Glamurrr: Please tigilan n'yo na ko sa kadugyutan n'yo, nakakasuka na! | Bandera

Resbak ni Awra kay Buknoy Glamurrr: Please tigilan n’yo na ko sa kadugyutan n’yo, nakakasuka na!

Ervin Santiago - December 17, 2020 - 11:32 AM

TUMALAK na naman ang Kapamilya youngstar na si Awra Briguela para bweltahan ang social media personality na si Buknoy Glamurrr.

Kung matatandaan, trending noon ang sagutan ng dalawa sa socmed nang sitahin ni Awra si Buknoy nang lumabas ito ng bahay na walang face mask at sa oras pa ng curfew.

Muli ngang nagkainitan ang dalawa nang makarating kay Awra na sinabi raw ni Buknoy Glamurrr na sinisira ng batang comedian ang kanyang pagkatao. Kung anu-ano raw ang sinasabi nito laban sa kanya.

“Wala akong inaway. Remember, siya po ang naninira ng pagkatao ko,” ang sagot umano ni Buknoy sa isang netizen na nagsabing siya ang unang nang-away kay Awra.

Narito naman ang resbak sa kanya ng dating child star na unang nakilala sa seryeng “Ang Probinsyano”, “Excuse me? Buknoy Glamurrr? I didn’t… I was just trying to educate you, hindi paninira ang pang ccall out It was your actions kaya ikaw sumira sa pagkatao mo.”

Hirit pa niya, “And about Feng I don’t really care about you two kasi kayo ang ng gago saakin at alam ng mga tao yan.”

Ang feeling ni Awra, gusto lang gumawa ng ingay ni Buknoy para magpapansin sa social media kaya naman ginagamit uli siya nito.

“What is this for? Clout? Y’all can do whatever the f**k you want just don’t drag my name kasi nananahimik na ako. Kaya please tigilan niyo na ko sa ka dugyutan niyo kase nakakasuka na kayo,” chika pa ni Awra na kilala rin bilang isa sa mga anak-anakan ni Vice Ganda.

Samantala, sa isa pa niyang tweet inokray  uli ni Awra si Buknoy, “The audacity of Buknoy to say ‘remember siya po nanira sa pagkatao ko.’ Excuse me Buknoy? Tao ka ba? Kase parang hindi.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang sagot si Buknoy sa mga naging patama sa kanya ni Awra.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending