Richard Yap lilipat na sa GMA 7; sinong Kapuso actress ang unang makakatambal? | Bandera

Richard Yap lilipat na sa GMA 7; sinong Kapuso actress ang unang makakatambal?

Ervin Santiago |December 16,2020
facebook
share this

Richard Yap lilipat na sa GMA 7; sinong Kapuso actress ang unang makakatambal?

Ervin Santiago - December 16, 2020 - 12:36 PM

MAGIGING Kapuso na ang dating Kapamilya actor na si Richard Yap.

Sa teaser photo na inilabas ng GMA sa pamamagitan ng KapusoGirl Instagram page, makikita ang isang litrato na kahit pinalabo ang imahe ay kitang-kita pa rin ang itsura ni Richard.

Nakatakdang pumirma ng kontrata ang aktor sa GMA Artist Center anumang oras mula ngayon.

Ayon sa announcement ng GMA, “May Pamaskong handog ang GMA Network sa inyo mga Kapuso dahil may bagong hinahangaang aktor ang magpapakilig sa inyo!

“Hindi lang husay sa pag-arte ang dapat abangan sa kanya dahil may ibubuga rin pagdating sa kantahan ang aktor na ito.

“Nakapag-release na siya ng self-titled album at nakatanggap ng ilang awards para sa kanyang natatanging galing sa pag-arte.

“Sino kaya siya? Malapit n’yo na siyang makilala. Stay tuned, mga Kapuso!”

Kung matatandaan, unang sumikat si Richard Yap sa ABS-CBN kung saan nakagawa siya ng ilang teleserye at pelikula. Una siyang umapir sa serye ni Kim Chiu na “My Binondo Girl” noong 2011 kung saan nagmarka ang karakter niya bilang si Papa Chen.

Sinundan ito ng “Be Careful With My Heart” with Jodi Sta. Maria kung saan mas lalo pa siyang sumikat sa role niya bilang si Ser Chief.

Napanood naman siya sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” sa GMA 7 noong July 11, 2020 kaya marami ang nagsabi na baka maging Kapuso na rin siya anytime soon.

In fairness, marami namang fans ang na-excite sa nakatakdang paglipat ni  Richard sa GMA 7 at ngayon pa lang ay nanghuhula na sila kung sino ang Kapuso actress na unang itatambal sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending