Bilang ng mga pulis na tinamaan ng Covid-19, 8,505 na
Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Sa huling datos mula sa PNP nitong Biyernes (12 ng tanghali), 8,505 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang ay mayroong 8,010 na pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit kung saan nakapagtala ng 36 na bagong recoveries.
Ang COVID-19 active cases naman ay 468.
Samantala, ang COVID-19 related deaths ay nanatili sa 27.
Pinayuhan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.