Luis nag-propose na; sagot ni Jessy: 'YES' #JessGotLucky | Bandera

Luis nag-propose na; sagot ni Jessy: ‘YES’ #JessGotLucky

Reggee Bonoan - December 12, 2020 - 01:05 PM

“WHEN the time is right, I the Lord, will make it happen.”

Ito ang post ni Jessy Mendiola sa kanyang Instagram account nitong Biyernes ng hapon kasabay ng “12.12.20” na nakaguhit sa puting buhangin ng resort kung saan sila naka-billet.

Maraming naintriga sa post na ito nina Luis at Jessy na iisa ang kanilang post na ang caption ng aktres ay, “This Saturday. #thehowhows.” At ang caption naman ng TV host, “#TheHowhows.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Eksaktong 12:10 ng tanghali ngayong araw, pinost na nina Luis at Jessy ang larawan nilang pareho nilang tinitingnan ang diamond ring na suot ng dalaga, engaged na ang dalawa.

Ang caption ni Luis, “The HowHows (emoji 2 red hearts).”

At si Jessy, “YES. #JessGotLucky.”

Pagkalipas nang apat na taong magkarelasyon ay mauuwi na rin sa kasalan. Sa pagkakatanda naming sabi ni Luis ay gugulatin niya si Jessy kapag nag-propose siya, ‘yung tipong walang ideya ang aktres na darating ang araw na iyon.

“Gusto ko kasi kung magpo-propose ako ‘yung wala sa isipan niya o hindi siya nage-expect. Kaya hangga’t maari ayaw kong pag-usapan kasi laging mauudlot,” ito ang sabi sa amin ni Luis noong nakausap namin siya sa taping ng World of Dance, Enero 2019.

Nasunod kaya iyon? Dahil base sa takbo ng pangyayari ay nagbakasyon sina Luis at Jessy sa isang exclusive resort at may mga dala silang damit na pang-formal at may hired photographer pa sila o isinabay sa isang photo shoot para sa product endorsement?

Anyway, wala pa ring ibinigay na petsa kung kailan talaga nag-propose si Luis dahil ang isinulat nila sa puting buhangin na 12.12.20 ay petsa na sabay nilang in-anunsyo na engaged na sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilang minuto palang pinost nina Luis at Jessy ang kanilang larawan ay bumaha na kaagad ng pagbati sa kani-kanilang IG account mula sa mga taga-showbiz at netizens.

Ang tanong, kailan ang kasalan?

Mula sa BANDERA ay binabati namin sina Luis at Jessy sa bagong yugto ng kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending