Bakit di nagkalat ang mga raliyista | Bandera

Bakit di nagkalat ang mga raliyista

Ramon Tulfo - August 27, 2013 - 07:00 AM

WALANG nagkalat ng basura sa Luneta habang nag-rally ang 75,000 katao (official police estimate of the number of rally participants yesterday) laban sa pork barrel.

Ano, walang kalat? Aba, first time ito na nangyari na hindi nagkalat ang mga raliyista!

Alam ninyo kung bakit hindi nagkalat ng kanilang basura ang mga nag-rally sa Luneta?

Dahil nahiya sila sa paalala sa kanila ng mga rally organizers at ng mga opisyal ng Rizal Park.

Ang sigaw ng headline ng INQUIRER sa Metro section (page 23): “Don’t act like pigs.”

“Let it not be said that pigs disguised as humans came and took control of the park to lambast the rotten pork barrel,” sabi ni Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste Coalition.

Masakit na salita ang binitiwan ni Lucero dahil totoo.

Ang Pinoy kasi ay baboy sa kalinisan ng kanyang kapaligiran.

Kung hindi baboy ang Pinoy, hindi makararanas ng matinding baha sa Metro Manila.

Ang baha ay sanhi ng pagtatapon ng mga basura, lalo na ang mga plastic, sa mga estero, canal at iba pang daluyan ng tubig.

Ang mga squatters na nakatira sa tabi ng estero at canal ay walang pakundangang nagtatapon ng kanilang basura sa daluyan ng tubig.

Ginagawa ng mga squatter na makaperwisyo ng kapwa upang pantay na sila sa paghihirap.

Di ko makakalimutan habang ako’y nabubuhay yung nangyari sa akin noong 1969 nang ako’y sumakay ng tren patungong Bicol galing ng Maynila.

Nasa luxury coach ako pero sira ang air-conditioning system kaya’t binuksan ko ang bintana ng aking kinauupuan dahil nainitan ako.

Nang dumaan kami sa parteng Tondo, nabuhusan ako ng ihi na nanggaling sa bahay sa gilid ng riles.

Swak na swak sa aking mukha ang ihi.

Sinabi sa akin ng kapwa ko pasahero na mabuti na lang daw at ihi ang tumama sa akin, hindi bato. May mga pasahero raw na nawasak ang mukha dahil tinamaan sila ng bato na pinukol ng mga squatter sa tren.

Di ba kababuyan yun?

Anyway, bakit nga ba walang nagkalat sa Luneta sa malaking rally kahapon?

Dahil ang mga sumali sa rally ay mga edukado at nahiya doon sa paalala sa kanila na huwag maging baboy.

Ang mga may pinag-aralan kasi ay nasasaway at nahihiya kapag pinagsasabihan.

Hindi ang mga squatters. Mas lalo silang pagsabihan na huwag magkalat, mas lalo silang nagkakalat.

Gusto nilang makaperwisyo sa kanilang kapwa kaya’t hanggang sila’y mamatay ay di sila umaasenso.
qqq

Di naiisip ng mga squatter ang batas ng karma: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo, gagawin din sa iyo.

Dahil sila’y namemerwisyo ng kanilang kapwa, piniperwisyo sila ng tadhana sa pamamagitan ng mas lalong paglubog sa kanila sa putik ng kahirapan.

Akala nila ay mahal sila ng Diyos dahil sa turo ng Simbahang Katolika na mahal ng Diyos ang mga mahihirap.

Hindi po totoo na mahal ng Diyos ang mahihirap dahil ang kahirapan ay salot sa mundo.

Kaya mahirap ang isang tao ay ginusto niya ito.

Kapag nagsikap ang isang mahirap tiyak na siya’y aasenso.

Karamihan sa mga milyonaryo sa bansa ay mahirap muna bago naging mayaman.

Si Lucio Tan ay isang salesman ng Tabacalera.

Si Ramon Ang, president ng San Miguel Corp. at Philippine Airlines, ay hamak na mekaniko bago siya umasenso.

Ang bilyonaryong si Henry Sy, may-ari ng mga SM malls, ay nag-umpisa bilang tindero ng sapatos.

May kasabihan na nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung gusto mong yumaman, igalang mo ang iyong kapwa at magsumikap ka.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending