Basher ni Kobe barag kay Jackie: E, ikaw, ano toka? Ang galing-galing ng mga taong walang ambag sa bayan! | Bandera

Basher ni Kobe barag kay Jackie: E, ikaw, ano toka? Ang galing-galing ng mga taong walang ambag sa bayan!

Ervin Santiago |December 10,2020
facebook
share this

Basher ni Kobe barag kay Jackie: E, ikaw, ano toka? Ang galing-galing ng mga taong walang ambag sa bayan!

Ervin Santiago - December 10, 2020 - 11:56 AM

“BEAST mode” ang dating aktres na si Jackie Forster matapos okrayin ng isang basher ang anak niyang basketball player na si Kobe Paras.

Talagang sinopla ni Jackie nang bonggang-bongga ang netizen na nagsabing “feeling sikat” ang anak nila ni Benjie Paras.

Nag-post kasi ang hindi na aktibong aktres sa kanyang Instagram kung saan ibinandera nito kung gaano siya ka-proud kay Kobe na kasalukuyang nasa Bahrain kasama ang Gilas Pilipinas team para sa Fiba Asia Cup Qualifiers.

At dito nga nagkomento ng kanegahan ang isang IG user na sinagot naman agad ni Jackie ng, “And ikaw, ano feeling mo? Ano gusto mo maramdaman or mangyari now that you’ve said it?

“You are just an ‘ordinary average guy,’ yes. And you will never be more. Why? Because of your mentality,” dugtong pa niya.

Palaban pang resbak ni Jackie, “At least anak ko mula pagkabata pa lang ibinigay na n’ya oras, pagod, at buhay nya para sa isang bagay na mahal nya, basketball–para sa bansa natin.

“E, ikaw? Ano toka? Ang galing galing ng mga taong walang ambag sa bayan.

“Magsalita ng masama sa mga batang magpupursige at nagsasakripisyo para may makamtan sa buhay–ni hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng hard work and sacrifice,” ang emosyonal pang panunupalpal nito sa hater ng anak.

Payo naman niya sa netizen, “Go give your mom a hug. Maybe your heart will start beating right afterward, and you will suddenly have bigger goals. Goals that actually require hard work and sacrifice.”

Dito na sumagot uli ang netizen at sinabing sikat lang si Kobe LGBTQIA+ community dahil sa kagwapuhan nito.

Ito naman ang hirit sa kanya ni Jackie, “Katulad mo, I guess? I mean, you are looking at his photos even on his mother’s account.

“Spending time and effort to be passionate about why you can never have him or be him. Hurt people hurt people.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sikat siya with all sexes, tama ka d’yan. That’s how fake works, FYI. Ikaw lang ‘yung in denial. Now go enjoy your life and stop worrying about my pogi boy,” banat pa ng dating asawa ni Benjie Paras.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending