Christmas bonus ng GSIS pensioners maaari nang makuha
Magandang balita para sa mga pensioner ng Government Service Insurance System (GSIS).
Maaari nang makubra ng mga pensioner ang kanilang Christmas bonus na P10,000 cash gift, ayon kay Atty. Nora Malubay, executive vice president ng GSIS.
Kabilang sa mga makakukuha ng kanilang cash gift o Christmas bonus ay ang active member pensioners o yung mga nagpakita sa kanilang birth month at nakapag renew ng kanilang active status.
Ang mga hindi naman nakapag renew ng kanilang status bago pa man nag lockdown noong Marso ay sinuspinde muna ang pamimigay ng P10,000.
Ayon kay Malubay, binibigyan nila ng hanggang June 2021 ang mga inactive member pensioners na mag-renew ng kanilang status para maibigay ang kanilang Christmas bonus.
Paliwanag ni Malubay, maraming pensioners na bago nag -ockdown ay talagang hindi na nagpakita ng kanilang birth month para mag-renew ng kanilang active status, kaya hindi alam ng ahensiya kung buhay pa ba ang mga ito.
Samantala, sabay na ring makukubra ng pensioners ang kanilang December pension nang walang kaltas mula sa kanilang loan dahil epektibo pa rin aniya ang loan payment moratorium.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.